Chapter 25: You and Me

139 10 0
                                    

"Kung kidnap lang ang tanging paraan para masolo kita, ki-kidnapin kita araw araw." nakangising sabi ni player.

"Kunyare ka pa! May Fille ka na, tigilan mo nga ako dyan! T-teka saan tayo pupunta?!" nag iba kasi ng direksyon itong si Ace.

"Don't worry sweety, magbabakasyon tayo. TAYO LANG." Sabay kindat saakin.

Nanlaki naman ang mga mata ko, tuwa ba? bigla ba? or whaaaaat? Pero sounds exciting. Hehehe.

"Aissh! Ewan ko sayo!" pagtataray ko at tumingin nalang ako sa daan. Tumawa lang siya, his sexy laugh, his sweet smile at ang hubog ng kanyang panga sobrang nakakatempt siyang halikan. Ang gwapo niya, sobrang gwapo niya. Hindi lang yun napaka gwapo talaga! Nasabi ko bang anggwapo niya talaga? LOL!

Binasag ko ang katahimikan namin sa loob ng SUV niya ng nagpatugtog ako sa iPad niya.

there's no turning back for us tonight..

Lace up your shoes... here's how we do...

Run baby run! Don't ever look back, they'll tear us apart if you give them a chance..

run baby run! Forever will be.... You and Me.

"You and me." biglang nagsalita si Ace at napatingin din sya saakin pero kaagad niyang ibinalik ang tingin niya sa daan. Uminit ang pisngi ko, anglambing kasi ng pagkakasabi niya. Walang halong panlilinlang.

Maya maya pa ay ipinasok niya ang sinasakyan namin sa isang Hotel and resort. Konti palang ang mga tao at hula ko bagong bukas palang ito. Mga turista ang mga nandito at kadalasan mga foreigner dahil siguro ay October kaya wala pa din masyadong nagbe-beach sa ganitong panahong magpapasko.

"Sainyo to?" naka nga nga kong tanong, white sand agad hindi katulad saamin, sa isla mo lang makikita ang white sand. Maraming nag susurfing at mas maraming activities dito.

"Yeah, isa sa mga negosyo namin. Did you like the ambience?"

"Uhh, gusto ko mag surfing." sagot ko ng nakangisi. Ang ganda ng panahon, ang mga alon ay katamtaman lang ang taas. Siguradong exciting mag surfing dito.

"Well then, let's go!" hinila niya ang kamay ko ngunit pinigilan ko siya.

"W-wait! Di naman ako makakagalaw ng maayos dito!" angal ko, paano naka t-shirt at shorts lang ako! Siya kasi naka shorts na pwede na din pang swimming at aakmang huhubadin na ang shirt niya.

"Fine, but please don't wear your bikini." seryoso niyang sabi at iniwan ko na siya.

Sinunod ko naman ang sabi niya, sinuot ko nalang yung short-shorts na komportable ako at bra sa bikini ko pero pinatungan ko nalang ng citru.

"Ano? Okay na?" i said sarcastically.

"Damn, why so sexy?" kitang kita ang mga bituin sa mga mata niya.

"Tsehh!!" at hinablot ko sa kanya ang dala niyang surfing board.

Nagsimula na kaming lumangoy at nagsurf sa taas ng mga alon na paparating saamin..

A/N: Hi my beloved readers!!! Please, keep supporting this story! :) I need your votes and feedbacks para mas ma-inspire lalo ako sainyong mag update. Thanks! Godbless us! xxWeirdee <3

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon