Chapter 43: Shivers and Butterflies

146 4 0
                                    

"What was that, ha Axcel?!" malakas pa din ang ulan ngunit parang wala lang sakanya iyon, matulin pa din ang pagpapatakbo niya at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan no.

"Can you please slow down?! Baka maaksidente pa tayo!" sinigaw sigawan ko na siya pero wala pa din siyang tugon kaya sinapak ko nalang ang braso niya.

"Hey! Stop it, Maggie--"

"Gago ka ba?! Sabi ko nang slow down!!" sinapak ko pa siya uli ng isang beses at gumuhit sa labi niya ang ngisi. Aba! Leche, may gana pang mang inis.

"Chill babe! Ayoko lang na may umaagilid sayong iba." sabay kindat saakin.

"Kapal din ng hiya mo Alejandro! Anong pake mo?! Boyfriend ba kita? Wala kang karapatan na pigilan ako sa mga gusto kong gawin." nag aalab na ang mga mata ko at siya ay nakangisi pa din kasabay ng pag igting ng panga niya. Diresto ang tingin sa basang daan.

"I told you, i came back for you. I came back to fix things up. I came back to claim you to your sister." malamig ang boses niya, kasing lamig ng panahon. Halos manigas ako sa gilid niya. May mga anong kulisap, paru-paro o anay sa tyan ko na naglalaro.

"Sorry to tell, wala kanang babalikan." kalmado kong pagkakasabi ngunit may kirot sa puso ko.

"Wag kang magsalita ng tapos Maggie." tumigil ang sasakyan sa magarang hotel at hindi pa din natitigil ang ulan. Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Hinigit niya ang kamay ko papasok sa hotel.

"A-anong gagawin natin dito?!" pinandilatan ko siya ng mata ngunit hindi niya ako pinansin.

"One presidential suit, please." mas nanlaki ang mga mata ko. Nangangapa ng salita pero wala akong makapa!

"Yes sir." ngiti ng babae at tila nagpapacute. Ay haliparot, etong Axcel naman binibigyan ng matamis na ngiti. Babaero pa din talaga! Walang pinagbabago. Tss!

"Ang harot namaaaan." pagpaparinig ko.

"Excuse me?" masungit na tugon ni Ace.

"Nothing, matagal pa ba miss? Gusto ko na kasing magpahinga." umirap ako at narinig ko ang tawa ni Ace, damn that sexy laugh!

"Here you go sir." iaabot na ng babae ang susi kay Ace subalit mabilis ko yung hinablot. Back off your dirty hands!!

Inakbayan ako ni Ace habang humahaglpak sa tawa. "Don't be so jealous, babe." pinisil niya ang ilong ko, sinapak ko naman agad yun at kumawala sa akbay niya.

"Jealous?! Pwede ba, in your dreams." masungit kong tugon at binuksan na ang suit namin.

"Teka! Bat' ba mo ko dinala dito?" umupo siya sa couch at nagtatanggal ng sapatos.

"Because i don't want to see that you are hanging out with some pathetic guys. Ikukulong kita sa mga bisig ko, i assure you, wala kanang kawala saakin." Diretso ang tingin niya saakin at kita kong kumikinang ang diamond earring niya.

"Good luck sayo ha." Sarkastiko kong sabi at naglakad papuntang kitchen. Naramdaman kong sinundan niya ako. Uminom ako ng tubig at biglang tumunog ang tyan ko. Shit, gutom na ako.

"I'll cook for our dinner. Magpahinga kana muna diyan." Dumeretso ako sa couch at binuksan ang flat screen TV ng suit na ito. Buti nalang ay wala akong pasok bukas, saturday and sunday kasi ang off ko. Naisip ko, paano pala akong maliligo? wala akong damit!! Pinuntahan ko si Ace sa kitchen at tumambad sa harapan ko ang mabatong likod ni Ace, topless may pawis mula sa batok and down to his spine. Habang nagluluto siya ay mas nag eexert ang mga muscle niya, damn! Such a freaking sexy beast.

"A-Ace?" Omg Maggie, keep your fucking self calm!

Nilingon niya ako ng may halong irita sa kanyang gwapong mukha. Infairness kay Kuya nagcoconcentrate siya sa niluluto niya.

"What?" masungit niyang utas. Napalunok ako ng nakita ko ang abs, biceps, triceps and firm chest niya. Shit!

"Uhm... how about my clothes?" i looked away, hindi ko kinakaya mga bh3.

"I'll call my secretary for our clothes." malamig padin ang boses niya at nakakunot ang noo.

"Are you done?" tinanong ko at mukhang nililinis na niya ang mga kalat niya.

"Sit." lahad niya sa high chair. Pinagsandok niya ako ng kanin. Laking gulat ko ng marami siyang inilalagay sa plato ko.

"Hey! gagawin mo ba akong patabaing baboy?" nangunot ang noo ko samantalang tumawa naman siya.

"That's my golden plan." ngisi niya atsaka umupo sa katabing high chair ko. Sinuot niya ang white V-neck shirt niya at pinagsandok niya ang sarili niya. Naamoy ko ang linamnam ng Beef Caldereta niya kaya mas lalong nagwala ang mga sawa sa tiyan ko. Nagsimula na akong sumubo at aminado ako, masarap. Pasado sa Masterchef to.


"Masarap ba?" tanong niya habang nginunguya ang baka. Tumango ako at ngumiti naman siya. Ang gwapo talaga ng prinsipe niyo!!


May nagdoorbell at nagkatinginan kaming dalawa, iyon na siguro ang damit na pinabili niya. Tumayo siya at nagtungo sa front door ng suit. Inubos ko ang gabundok na pagkain ko at tingin ko kelangan kong mag work-out bukas.


Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko si Ace na nakaupo sa kama, nanunuod sa flat screen TV at topless uli. Wow, inaraw araw ni kuya ang pagiging topless ha!

"Wait, tabi tayo matutulog?" maski ako ay nanlaki ang mga mata sa tanong ko. Nasa harap niya ako at ngumisi muna siya ng pagkalaki-laki bago magsalita.


"Why not? Ako naman ang nagbayad ne'to a." hinigit niya ang kamay ko at napaupo sa mga hita niya. Shit! eto na naman ang mga kulisap, tutubi at mga kung anong insekto pa sa tiyan ko. Gusto ko mang sapakin siya on the spot pero ayaw sumunod saakin ng sistema ko. Damn!! What's wrong with me?!


"I love you and i know you still love me the same." bulong niya saakin at iningudngod niya ang mukha niya sa leeg ko. May kuryenteng umakyat mula paa hanggang bumbunan ko. Hindi ako makagalaw but one thing is for sure, gusto ko ang ginagawa niya, it sends me shivers in my spine and butterflies in my stomach..

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon