*Kriiiiingggg* *kriiiinggg*
"Hmm.. H-hello?" sinagot ko ang nagwawala kong telepono at hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hey! You can't be late today Mags! first day mo sa trabaho. Get up! I'll be there in 15 mins." My goodness! 1st day ko nga pala today! I need to start from the scratch and i'll be going to make my name someday.
"Oh! Thanks for reminding me, Ethan. Sige maliligo lang ako." binaba ko na ang telepono at dali dali akong tumakbo sa C.R para maligo. Hayy! dati dati lang sa eskwelahan ako papasok pero ngayon sa trabaho na. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako at sinaluhan sila mommy at daddy sa hapag kainan.
"Good morning, everyone!" bineso beso ko silang lahat. I need a vibe starter. Dapat positibo sa unang araw.
"Oh, magpa impress ka sa boss mo ha." kindat saakin ni monmy.
"I told you Maggie, sa kumpanya ka nalang ng Ate mo mag trabaho. Ang tigas pa din ng ulo mo." sabat ni daddy, pero kaagad naman siyang sinaway ni mommy.
"Franco! Hayaan muna natin si Maggie na matutunan ang mga bagay bagay. Besides, parang training niya palang ito." Pagkatapos ng kolehiyo ay hindi ako nagdalawang isip na mag apply sa ibang kumpanya. Ayokong umasa sa pangalan nila daddy at Ate Sasa. After those years ay malamig pa din ang pakikisama ko kay Ate. Si daddy naman ay lagi akong pinipilit na hawakan ang isa pa naming kumpanya but i refuse to take it. Ayokong maging easy go lucky.
"Hayaan niyo daddy, i will take your company soon. May kailangan lang akong patunayan sa sarili ko. Gusto kong paghirapan lahat." tumango si mommy at nangingiti habang si daddy naman ay umiiling habang sumusubo ng pagkain.
"Good morning po, Tita and Tito." bati ni Ethan na kararating lang.
"Good morning, hijo. Come and join us." alok ni mommy at umupo siya sa tabi ko at nginitian ko siya. Pagkatapos ng lahat ay napatawad ko na talaga si Ethan, nakita ko kung paano siya nag-sisi sa mga nagawa niya nuon. He had been better after all at alam kong may nagugustuhan na ang isang bad boy na ito ngayon, ibinalik namin ang closeness namin at sinusuportahan ko siya sa mga desisyon niya.
"Good morning! Hindi ba may trabaho ka din today?" tanong ko dahil nakakapagtakang hindi siya nakadamit pang trabaho referring to his sophisticated suit.
"Maggie, kelangan ko din ng day off pa minsan minsan." Halakhak niya at nagsimula na siyang kumain.
"How's your business, Ethan?" Tanong ni daddy.
"It is going great po, sir. I have closed a deal at mas napapalago ko na po ito. That's why my father gave me the CEO position easily dahil may napatunayan po ako kaagad." masayang tugon ni Ethan.
"No doubts, you're a truly Alejandro. It runs in your blood." humalakhak si daddy at si mommy ay nangingiti lang.
"We'll go ahead mom, dad. Hindi ako pwedeng ma-late." Nasa double doors na kami ni Ethan at nagpaalam na ako kina mommy at daddy.
"Shall i fetch you later, miss?" ngisi ni Ethan ng nakarating na kami sa parking lot ng kumpanyang papasukan ko.
"Nahh! You don't have too. You should go to Zafrah and have a dinner date tonight. Girlfriend first." Ngumiti siya at tumango.
Bumaba na ako ng kanyang sasakyan atsaka nag paalam. Pumasok ako sa matayog na building na ito at nagsimula nang magtrabaho.
"Hi! Newbie?" bati saakin ng isang babaeng empleyado sa kabilang cubicle. Chinita siya, mapula ang kanyang labi at mukhang fashionista. Namimiss ko tuloy si Fia Chinita.
"Uhm.. Oo." nginitian ko siya at tumango naman siya.
"I'm Jackie." sabay lahad niya ng kamay niya. Tinanggap ko naman iyo. "And i'm Maggie." pakilala ko.
"Welcome to the company." bumalik siya sa kanyang cubicle, ako naman ay hinirap ang monitor at nagsimula na mag trabaho.
"Let's do this." bulong ko sa sarili ko. Maghapon ay nagtratrabaho lang kami. Napaka busy naming lahat, mababait at maayos naman ang pakikitungo saakin ng mga empleyado dito. Nakilala ko sina Jackie, Eric, Celine at Marion. Sila ang mga nakakasabay ko mag lunch.
"Una na kami guys!" paalam nina Celine at Eric. "Oh Maggie, hindi kapa uuwi?" inililigpit na nila ang mga gamit nila kaya sinimulan mo na din mag ligpit.
"Ahh.. uuwi na din. Aayusin ko nalang itong mga gamit ko." pagbaba namin galing ng 12th floor ay nauna na silang sumakay ng taxi. Pumapara ako ng taxi ng may humintong color gray Audi Porsche sa harapan ko. Nang pagkababa nuong taong nasa loob ng magarang sasakyan ay kaagad na nalaglag ang panga ko.
"My goodness.. A-Axcel?"