Chapter 50: Wakas

197 5 2
                                        

"Ace.. Your company needs you." tapik sa akin ni Drew. Nakaupo ako sa lounge ng hospital at nakatulala sa kawalan.

"I can take care of it." untag ni Cassy. Nilingon ko siya at nginitian niya ako.

I almost lost myself. 3 weeks from the accident hindi pa din siya nagigising. Hindi siya gumagalaw. She's still unconcious and comatose. Araw araw ko siyang binibisita at halos hindi ko na hinaharap ang kumpanya ko kaya si Cassy at Drew ang nag aasikaso nuon.

"Ace..." marahang sambit ni Fia.

"She's still in coma, hindi ko na alam pag nawala siya sa akin." lumandas na naman ang luha ko sa aking pisngi. Damn, nakakabading na ito pero wala akong pakielam. These tears mean that I am freaking craving for Maggie's touch. I love her so much and I can't afford if I lose her. Tangina, sana hindi ko na siya hinyaang umalis pa. Sana ay hinatid ko nalang siya. Sana ay naging clingy boyfriend nalang ako for the whole damn time para hindi nangyari ito. It hurts 'til death.

"Bro, kain ka muna." anyaya sa akin ni Ethan nang pinasok niya ako sa kwarto ni Maggie. "Go Ace, ako na muna magbabantay kay Maggie." untag ni Ate Sasa at sumunod naman ako.

Ilang subo lang ay nawalan na ako ng gana. Hindi naman ako nangangayayat dahil kumakain pa din ako ng tama at nag wowork out sa bahay kapag sobrang frustrated na ako. I do boxing para maibaling sa punching bag lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Kamusta na po si Maggie?" may mga taong dumating at namumukhaan ko ang unang nangamusta kay Maggie.

"Kami po pala ang mga katrabaho ni Maggie." sabi nung babaeng chubby at kulot.

"Ma'am can we see her?" untag nung lalaking namumukhaan ko. "Sure." Tipid na tugon ng mommy ni Maggie.

"Marion, yung fruits iayos mo sa room ni Maggie." Sambit nung babaeng chinita. So Marion pala ang pangalan niya. Nang nakita ako nung isang lalaki ay binalingan agad ako.

"Sir Alejandro." naglahad siya ng kamay at tinanggap ko iyon. Sumunod ang dalawa pang babaeng kasama nila at hindi ako pinansin nung Marion, I don't even care pero nang nauna siyang pumasok sa kwarto ni Maggie ay parang gusto ko siyang bugbugin duon, nang makagawa ng ingay at baka sakaling magising si Maggie.

Pinagmamasdan ko si Maggie mula sa labas ng kwarto habang naroon ang mga katrabaho niyang biyernes santo ang mga mukha. Damn baby, don't ever let go. Just keep on fighting and come back to me, please..

Pag gising ko ay hindi ako makatayo, ang bigat ng nararamdaman ko. Parang gusto ko nalang humilata at magkulong maghapon sa kwarto ko. I think I'm really losing myself and I can pull my shits together when she awakes.

"Anak. Breakfast?" umalingawngaw ang boses ni mommy sa pintuan ko. Nagtakip ako ng comforter ko dahil ayokong tumayo. Panibagong araw, hindi pa din siya nagigising. It's like same shit but a different day. Naramdaman ko nang may umupo sa gilid ng aking kama. I thought it was mom but I was wrong.

"Axcel, anak." malalim ang boses and surely, it's my Dad. Pumikit ako ng mariin at napasinghap.

"Don't stress yourself. This is too much and this isn't easy anak. You company needs you. Cassy and Drew cannot hold that for a long period of time. Your employees need their CEO."

"Yes dad. I understand. I'll be going back to work today." Tamad kong sagot.

"Anak, she will be fine. Have faith with her. It's never too late. Kung siya ay lumalaban pa bakit ikaw sumusuko na? Real men don't give up easily. Real Alejandro's are brave." tinapik ni Dad ang braso ko at unti unting nagsink-in sa utak ko lahat ng sinabi niya. I'm sorry for being an irresponssible CEO, Dad.I'm sorry for being weak Maggie. I'll be putting myself together. I'll be tougher, we will be Maggie. Nararamdaman ko magigising ka na. I love you so much baby.

Nagsimula akong magtrabaho ngayong araw. Marami akong naiwan na trabaho na kailangang tapusin kaagad dahil sa mga malalaking investors sa aking kumpanya. Pagkatapos ko sa trabaho ay dumederetso ako sa Limketkai hospital para dalawin ang pinakamamagal kong Maggie. Ganun pa din, nanatiling machine at ang mga tubong nakakabit sa kanyang katawan ang bumubuhay sa kanya. Ang mga sugat niya ay unti unti nang naghihilom dahil isang buwan na siyang walang malay. Hindi ko alam kung mahahabag ang kalooban ko dahil buhay pa din siya pero masakit sa akin ang nakikita kong wala pa din siyang malay. I want to see her sweet smile, the way she calls my name. The way she hugs me like there's no tomorrow. May matinding kirot na naman dito sa puso ko. Naninikip ang dibdib ko, nababading na ako.

"S-Sir Axcel." sambit ni Alona habang nakatutok ako sa aking laptop.

"Yes?" hindi ko siya nilingon pero naramdaman kong lumapit siya sa table ko.

"Pinapatawag po kayo sa Limketkai Hospital, sir." untag niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Heto na naman ang mga kabayong sumisipa sa dibdib ko. Naramdaman ko ding namutla ako at kaagad nanuyo ang lalamunan ko. I need to think positive thoughts. Walang pasubali ay iniwan ko ang trabaho ko. Alam kong si Alona na ang mag aasikaso sa mga iniwan ko sa opisina.

Pinaharurot ko kaagad ang Audi Porsche ko patungong Limketkai. Kasing bilis ng tibok ng puso ko na kahit ang traffic lights ay hindi ko na pinansin.

"Alyssa, what's happening?" Mabigat ang bawat paghinga ko at nabigla ako dahil maaliwalas ang kanyang mukha.

"G-gising na siya." Para akong nabunutan ng tinik pagkatapos ng isang buwan at kalahati. Kaagad akong pumasok sa kwarto niya habang inoobserbahan siya. Nakita kong unti unti niyang binubukas-sara ang talukap ng kanyang mga mata. Damn baby... your eyes, they are still wonderful. Mangiyak ngiyak ako sa gilid niya at isa-isa niya kaming tinignan. Nabawasan na ang mga tubong nakasaksak sa kaniya at wala na siya sa ICU room.

Kaagad ko siyang dinaluhan at hinalikan ko nang marahan ang kamay niya. Diyos ko, salamat po. Maraming maraming salamat. Nararamdaman kong tumatalon sa saya ang puso ko at isang kalabit nalang ay tutulo na ang luha ko.

"Baby.. Thank God nagising kana." sambit ko at nakita kong kumunot ang noo niya hinawi niya ang kamay niyang hawak ko kaya naman kaagad akong tumayo sa pagkakaupo sa gilid niya. Narinig kong humagulgol ang mommy ni Maggie kaya labis ang pagtataka ko. Bumaling ako kay Maggie habang pinagmamasdan niya ako ng mabuti.


"S-Sino ka?"

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon