Nagtungo ako sa coffee shop para makipagkita kay Fia. Kelangan ko na din i-open sakanya tong unindentified feelings ko. Siguro kaya ganito yung nararamadaman ko dahil crush ko siya dati. Hayy! ewan ko! Ano ba naman yan Maggie! Just focus on your plan!
"Aruuuy besh! Hindi kaya you're falling in love with the school player?!" gulat niyang sinabi habang nilalapag niya ang kape niya.
"Don't be silly, besh! Hindi ba may plan tayo? Remember?!" baka lang kasi nakakalimutan niya. Siya pa nga nag udyok saakin para gawin to e. Pero hindi ko talaga maintindihan tong puso ko!
"Oh my! wait besh? Si Ace ba yun?" tanaw mula sa kinauupuan namin na papasok si Ace with other girl. Nakahawak pa siya sa beywang nung babae. Etong linta naman gustong gusto!!
Bigla namang uminit ang pisngi ko, ang ulo ko. LAHAT NA! Basta nabwibiwisit ako sa nakikita ko. Anglalandi, grabe.
"The ultimate player! That dumbass, Ace Alejandro!" Galit kong sabi at nakita naming naupo na sla nung babae, malayo sa kinauupuan namin kaya hindi kami nakita ni player.
"Tsk. Kelangan na yata ni player ng katapat, Mags?" nakangising sabi saakin ni Fia.
"Wait for my turn Fia. He'll see." sabay kindat ko saknya. Namomotivate tuloy akong makipaglaro sakanya. Makikita mo Ace.
Lumapit ako sa table nila nung babae at napansin naman nila ako kaagad.
"Hi babe! Miss me?" hinalikan ko ang pisngi niya at kinindatan ko siya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang gulat samantlang dun sa malanding babae naman ay pagkainis.
"Oh? kelan mo ko ide-date Ace? Hindi ba gusto mo kong makadate? Hmm. I guess ako next sakanya?" tinuro ko yung inis na inis na babae. Nakakatawa yung itsura ni Ace. Gusto ko sana humaglpak sa tawa e. Pero wag muna ngayon.
"Huh? Do i know you miss? What are you talking about?" nagkibit-balikat siya na parang hindi niya talaga ako kilala. Wow ang galing! Fuck you Mr. Player! Gusto ko na siyang murahin sa sobrang inis ko! Pero kalma Maggie. Wag ka papatalo! Isip isip!
"Bitch!!!" napasigaw sa inis at bigla yung babae. Eh paano hinalikan ko si Ace sa labi. MADIIN!
"Siguro naman hindi mo na ako makakalimutan niyan Ace?" sabi ko sakanya habang hawak ko ang magkabilaang pisngi niya. Grabe speechless siya. Yehess!!! ang galing ko talaga! Nakabawi!
"Let's go Maggie." aya saakin ni Fia at nangiti din siya.
"Bye babe." paalam ko kay Ace at kinindatan ko siya. Yung cheap girl kita pa din sa mukha niya ang inis. Kaya inirapan ko nalang siya. At tuluyan na kaming umalis ng coffee shop.
Be ready, player! Simula palang 'to.