Chapter 23: Patron Tequila

143 6 0
                                    

4 days na kami dito sa island at sobrang nag eenjoy naman kami. We went snorkeling, cliff diving, nag libot sa ibang isla and caves, at kung ano ano pa. Pero bukas ng tanghali ay uuwi na kami.

Ngayong  4th day namin ay naisipan naming mag party tonight, 'Night Life in Island'. Sobrang excited ang mga kasama ko lalo na yang Fille na yan! Dikit pa din ng dikit kay Ace! These past 4 days ay sila ang palaging magkasama, sabi niya ako yung ipinunta niya dito! Samantalang lagi naman sila ni Fille ang magkasama.

"C'mon Ace! Picture tayo dun o." hinila ni Fille ang kamay ni Ace papunta malapit sa dagat. Tumingin naman saakin si Ace at ngumisi kaya inirapan ko nalang. Mga bwisit kayo, maglandian kayo hangga't gusto niyo!

"Smile Mags!" *click* nashock naman ako dahil pinicturan ako ni Ethan.

"Wow, ang ganda mo pa din kahit shocked ang mukha mo." tumawa siya at tumawa din ako, i knowww. HAHAHA GGSS!

"Tara picture din tayo." inaya ko siya at nilabas ko ang iphone ko instead of his dslr. Mahirap mag selfie dun. Duh!!

Pagtapos namin mag picture picture ni Ethan ay bumalik na muna kami ng resthouse para makapagpalit ng damit para sa bar hopping namin. Pag dating ko sa room ko ay nadatnan ko dun si Ace.

"What are you doing here?!" pinadilatan ko siya dahil nakahiga siya sa bed ko.

"Waiting for you."

"Duh! waiting for me? Fille is waiting for you downstairs!" iritado kong sabi at ngumisi pa ang kumag.

"Wala naman akong pake dun." natatawa niyang sabi.

"Tseh! Paano playboy ka! Pinapaasa mo! Pero gustong gusto mo naman, enjoy na enjoy ka! Tapos sasabihin mong wala kang pake?! An--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng hinila niya ako papunta sakanya sabay hinalikan niya ako.

"Shut up, you're all that matters to me baby."

"Waaahh! Perv!!! Manyak! Bastos! Umalis ka dito! Ipapapulis kita! Manyak! Tawa tawa ka pa ha!!!" pinagbabato ko siya ng kahit anong mahablot ko. Nakakailag naman siya pero natatamaan ko pa din at anglakas pa ng loob ha! Tawa pa ng tawa hanggang sa umalis siya pero sobrang namula ako. Nag init ang magkabilaang pisngi ko.

Nakooo!! Magnanakaw ng halik! Huhuhuhuhuhu!!!

Pagkababa ko ay ready na silang lahat. Ako nalang pala ang hinihintay. Nilapitan ako agad ni Ethan at sabay na kaming naglakad.

Sa kabilang dako naman si Fille at Ace, okay! Bagay sila, parehong flirts!!

Nakadating na kami sa bar at nagsisimula na ang mga tao na maging agresibo. Pumunta naman agad sina Fia, Trixie, Cass and Carlo sa dancefloor at nagsayawan.

"Cheers!" sabi ni Ethan at sabay naming nilagok ang patron tequila.

Tinitignan ko lang sina Ace at Fille. Naglalandian oo habang nag iinuman! Mga bwisit kayo, inihanda ko talaga tong bakasyon na to para sainyo e!

Hinila ko si Ethan sa dancefloor at nag dirty dance sa harap niya. Nabigla siya pero nag sayaw na din siya. Habang nag di-dirty dance ako kay Ethan ay nakatingin ako kay Ace, napalingon siya saakin at mas inartehan ko pa ang mga galaw ko. I dropped him an evil smile and i winked at him.

Hahahaha!!! Resbak! Ayos Maggie! Galing mo talaga, hehehe.

Bumalik kami ni Ethan sa bartender at uminom na ako ng uminom. Hindi naman ako sanay sa ganito pero parang lagi ako sa mga bar.

Tipsy na ako. Pero maya maya sobrang blurry na ang paningin ko. Iinomin ko na sana ang last shot ko pero pinigilan na ako ni Ethan.

"That's enough Mags, let's go home." at naramdaman kong binuhat niya ako.

Hindi na ako nagpumiglas dahil na din sa tama ng alak. Grabe, antok na antok na ako.

Pero sumigaw ako, nawala na ako sa sarili ko. "Bwisit ka Ace! Go home, flirt with Fille as long as you want! Bitch ka Fille!!!" lasing na lasing na ako.

Pagkatapos nun ay nakatulog na ako.

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon