Saktong pag gising ko ay nasa condo na kami. Nagpa-assist nalang ako para ayusin at iakyat lahat ng gamit ko sa unit ko.
"You should go home na Fia, take some rest. Alam ko napagod ka sa byahe. I can handle myself na. Thankyou besh." nginitian ko siya at yinakap naman niya ako.
"Okay, just text me whenever you need me."
"I will, thanks." at mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya.
Pagbukas ko ng pinto ng unit ay nakita ko agad ang babaeng nakaupo sa couch ko, nakasuot ng simpleng dress at kamukhang kamukha ko.
"Ate Sa?"
"My dear sister! I missed you so so much!" tumayo siya at yinakap ako ng mahigpit.
"I missed you too ate Sa." yinakap ko din siya ng mahigpit kahit na may tampo pa din sa side ko.
"How are you, Mags? Sorry dahil di kita ininform na uuwi ako, gusto kita talagang u-surprise e."
"Nako ate, sanay na ako." bigla namang tumabang ang mukha niya.
"Look, i'm sorry dahil iniwan kita nuon. Wala na akong ibang naisip nuon kundi ang magpakalayo." hinawakan niya ang mga kamay ko. Naiinis ako, ansama ng loon ko sakanya at sa parents ko. Paano nila ako natiis ng ilang taon.
"Forget it. Nabuhay naman ako mag-isa. Nakaya ko naman, you don't have to worry about. If you're just checking out that i'm fine, yes i'm totally fine. You may leave now." walang gana kong sabi at siyang sobrang ikinalungkot ng ate ko.
"Maggie, i'm sorry. Andito nga ako para sunduin ka e." nabigla ako sa sinabi niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"What? No! Hindi ako sasama sainyo. This is my home! Kayo ang umalis, dapat kayo ang bumalik!" i said hysterically. God! How could they! Napaka selfish nila. Hindi ba nila alam na kailangan ko ng pamilya dito sa Pilipinas!
*PAK!*
Sa lakas ng sampal niya saakin ay maski siya ay nabigla.
"Wow! Thankyou ate, yan ba ang pasalubong mo saakin?"
"Oh God.. I'm sorry, i-i d-didn't--"
"Get out, Ate Sa." hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin.
"Please Maggie! Come with me! Hindi ako aalis ng Pilipinas nang hindi ka kasama."
"Umalis kana ate, kaya ko ang sarili ko. Kaya kong mag-isa."
Napaiyak siya sa sinabi ko atsaka siya umalis. Pagkaalis niya ay duon ako umiyak, humagulgol ng pagkalakas lakas.
Sabi nila sa kahit anong sitwasyon andyan ang pamilya mo para damayan ka. Pero nasaan sila?! Iniwan nila ako. Inabanduna ng parang pusa. Angsakit, angbigat ng loob ko. Si Fia nalang talaga ang natira saakin.
Wala akong ginawa buong araw kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa naubos na ang mga luha ko. Hindi ko na muna tinawagan si Fia dahil ayoko siyang mag alala ng husto.
I turned off my phone at napagdesisyunan kong magkulong muna sa condo ko for a week. Bahala na. Magpapahinga muna ako.
