[A/N: I dedicate this chapter for a special girl, I know you can overcome all the pain. Head up! Be tough! It is God's will. Weirdee is always here for you.]
- -
Umaga na naman, hindi ko na alam kung paano babangon. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar o kung saan ako magsisimula.
*Knock* *knock*
Napatingin lang ako sa pintuan ng kwarto ko habang nakadapa sa kama ko. Hindi man lang ako nakatulog, puro iyak at kakaisip kay Ace ang ginawa ko sa magdamag. Minessage ko siya kagabi sa facebook, nagbabakasakaling makakuha naman ako ng sagot kung bakit siya umalis ng ganun ganun nalang.
Bumukas ang pinto at duon ay nakita ko si Fia. "Maggie.." tawag niya saakin na may kahalong simpatya. Iningudngod ko ang mukha ko sa kama at nagtago sa blanket dahil ayokong makita niya ako ng ganito. Naramdaman ko ang pag upo niya sa gilid ng kama ko. Nakapikit lang ako habang nanunuot ang kirot sa puso ko.
"Mags, talk to me. What happened?" malungkot niyang pagkasabi at bumuhos na naman ang luha ko. Durog na durog na ako at hindi ko na alam kung paano ako makakabangon sa kumunoy na problemang ito.
"Margarita Nicole.. You know i'm always here for you. Talikuran ka man ng buong mundo, andito pa din ako. Please get up and talk to me." pinunasan ko ang luha na dumaloy at saka napagpasyahan kong tumayo.
Halos mapatalon siya ng makita niya ang mga mata kong mugtong mugto. "Fia, i-it fucking hurts.. big time." turo ko sa puso ko sabay hagulgol. Hinigit niya ako sa mga braso niya.
"Sshh.. shh. You can overcome all those fucking heartaches, i know you. You are a tough girl. You build your walls that no one can destroy those barricades." sabat niya na may halong sakit sa mga salita niya. Ramdam ko ang lungkot niya. I feel how she cares about me.
"But my walls were just fucked up. He left me, he just left me hanging on this situation. Kagagawan ni Alyssa ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para gawin niya saakin ito. In the first place iniwan niya lang din ako nuon. Fia, ayoko ng maiwan. Masyado ng masakit." another batch of tears fell down.
"Hey, look at me. I'm still here, i will never leave you. Never! Andito ako para iparealize sayo na hindi pa huli ang lahat. Everyday is a chance. Wag nating ilugmok ang sarili natin dahil sa mapait na kahapon. I believe Ate Sasa will realize her mistakes soon at alam ko may malambot kang puso. Magkakaayos din kayo, blood is thicker than water."
Napag pasyahan kong hindi muna pumasok ngayong araw na ito. Dahil dalawa lang naman ang klase namin ngayon ay okay lang. Pinapasok ko na sa school si Fia dahil ayoko namang madamay ang acads niya ng dahil saakin. Nagpasalamat ako sakanya dahil nandyaan siya palagi besides andyan na sila mommy at daddy para suportahan ako at para bigyan ng atensyon, nagpapasalamat din ako dahil mas lalo kaming naging close ngayon..
My first year in college had past at hindi ko pa din kinakausap si Ate Sasa hanggang sa makatungtong na ako ng second year college, pinalipat na din nila mommy ang mga gamit niya mula sa condo niya at nagsama-sama kami sa aming tahanan. Ginawa kong busy ang sarili ko sa school para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko. Lagi ko ding chinecheck ang facebook ni Ace, namamag-asang i-chat niya ako.
I've never been in love like this, i was afraid at first because of what happened to my sister pero hindi ko inaasahan na igaganti niya saakin ang mga naranasan niyang sakit nuon. Naging busy din si Ate Sasa sa pag papalago ng business niya at nalaman ko din na nakipag partnership sakanya ang parents ni Ethan.
Si Ethan naman ay nagpaparamdam din saakin na mali ang mga ginawa niya nuon. At first, hindi ko masikmura ang makaharap siya pero sa sobrang kulit niya ay minsan ay nakakalusot siya sa mga ginagawa niya. Like dadalhan niya ako ng foods sa bahay, peace offerings at kung anu-ano pa.
Nakikita ko naman sa mga mata niya ang sinseridad na gusto niyang makipag ayos. Sabi niya pa saakin dati na gusto niyang ibalik ang pagkakaibigan namin. Tinawanan ko lang siya nun pero lumuhod siya para humingi ng dispensa sa lahat ng kabulastugan niya nuon. Ma pride ako pero hindi bato ang puso ko. Kaya ko namang magpatawad. Si Lord nga nagpapatawad ako pa kayang tao lang, diba?
I texted Cassy, matagal na din akong hindi nagpaparamdam sakanya simula nung ibinigay niya saakin ang note.
ME:
Hi Cassy, kamusta na?
mga after 5 mins ay nagreply naman siya.
From: Cassandra Alejandro
Maggie!! i miss you so much! I'm fine baby girl. How about you? Can we catch up sometimes? I miss you na talaga.
Nakakatuwa naman at hanggang ngayon ay close pa din kami. I expected na lalayuan niya na din ako pagkatapos ng mga nangyare but i was wrong.
ME:
Oo naman. Tomorrow let's have lunch kung hindi ka busy.
From: Cassandra Alejandro
Sure! I'll text you kung saan. See you baby girl!
Nakakatuwa naman yung 'baby girl' na tawag niya saakin. Ano kaya ang tawag niya kay Ace? Baby boy? Lol.
After class ay umuwi na ako kaagad. Hinatid ako ni Fia, nang dumilim na ang kalangitan ay dumating na din sila mommy. Si Ate Sasa naman daw ay mag oovertime sa office niya dahil may mga kelangan siyang tapusin. Pagkatapos namin mag dinner ay kaagad akong nag online sa facebook dahil may i-popost daw ang prof namin tungkol sa final project at bigla kong nakita na meron akong isang message.
Binuksan ko ang chatbox..
*1 message from Axcel Alejandro*
"Holy shhhh.."