Pagkatapos ng game ay kaagad akong nilapitan ni Ethan.
"Hey!" approach niya saakin. "Congrats! Hindi ka pa din kumukupas." puri ko saknya at nginitian niya ako.
"You're so galing talaga Ethan! Like OMG! Nakakakilig kayo ni Maggie kanina!" hayy nako! Talaga naman tong si Fia o. Nanginginig na naman sa kilig.
"Shut your mouth chekwa." binulong ko sakanya kaya di narinig ni Ethan pero sobrang kinikilig pa din siya.
"Alam mo namang hindi pa din ako sumusuko dito kay Maggie e." ngumiti siya at si Fia kulang nalang bumula bibig neto e. Aish!
Nagpaalam na kami kay Ethan na
maglalunch na at sabi niya sasamahan nila ako ni Fia sa training ko mamaya. Pumayag na ako dahil wala na din akong magagawa. Sa totoo lang naaalibadbaran ako pag kasama ko si Ethan. Baka kasi isipin niya na may pag asa siya saakin, kahit wala talaga.
Pagtapos naming kumain ni Fia ay kaagad kaming bumalik ng school para sa training ko. There I saw Ethan with Ace. Bumilis nanaman ang kabog ng puso ko. Ano ba naman ito masyadong kabogera!
"Maggie! Ace will come to us. Gusto ka daw niyang mapanuod." masayang sabi ni Ethan. "Really? Wala ka bang make out session ngayon Ace?" mataray kong sabi.
Tinignan niya nalang ako ng deretso. Napaka awkward naman. Hindi ko mabasa kung anong gusto neto! Dati gusto ako maka-date tapos nag maangmaangan na di ako kakilala. Ngayon naman gusto manuod sa training ko! Addict yata tong pinsan ni Ethan e.
Nagstart na kaming mag warm up. Palo palo na. Nag game kami, nagpa sub muna ako dahil ramdam ko na ang pagod. Tumatagaktak ang pawis ko at inabutan naman ako ni Ethan ng water at towel. Angsweet niya, pero hindi ko talaga siya gusto.
Pagkatapos ng training namin ay inaya kami ni Ethan sa bahay nila Ace. Weird! Si Ethan pa nag aya. Kapal muks lang kuya?
"Tara! Meryenda muna tayo kila Ace. Ano, game?" at ngumiti siya. "Uhm, i don't think i can go with you guys. May aasikasuhin pa kasi ako about sa cheerdance e." angal ni Fia.
"Maybe, si Maggie nalang?" sabay ngiti ni Fia. Nagulat naman ako kasi iiwan niya ako sa mga Alejandro! Oh c'mon chekwa! Aish!
"Hiramin ko nalang car mo Mags! Hindi ka naman pababayaan ni Ethan e. Right Ethan?" kinindatan niya ito at nginitian niya kami ni Fia.
Naaamoy ko na sinasadya ito ni Fia. Humanda ka saakin chekwa!
Teka? What's wrong with the player? Napakatahimik. Hindi ako nilalandi, hindi kaya takot siya kay Ethan? Nahh! nag o-overthink na naman ako. Yun may kakatakutan?! Alagad ni satanas yun e. Tss.
"Shall we go?" malamig na tanong ni Ace. "Bye besh! Have fun with Alejandro Cousins!" hinablot ni Fia yung susi mula sa kamay ko at tumakbo palayo.
CHEKWAAAA!!! SUPER DUPER AWKWARD!!!!!