Chapter 12: Hug

218 6 0
                                    

Pag gising ko si Ace pa din ang nasa isip ko. Nakakainis naman e! Gusto kong malaman bakit siya ganyan, bakit may care siya saakin. Totoo ba yun o palabas niya lang? Gusto ko siyang diretsahin para naman malinawan ako.

Inayos ko na ang mga gamit ko para sa game namin mamaya. Hinintay ko si Ethan sa lobby dahil susunduin niya daw ako. After 10 mins may dumating na.

Hindi si Ethan, kundi si Ace. Nagulat ako at nag init ang magkabilaang pisingi ko.

"Why are you here? where's Ethan?" sunod sunod ang tanong ko sakanya.

"Pinapasundo ka ni Ethan, malelate daw kasi siya sa game namin. Wag kana maarte diyan, sa school naman kita dadalhin. Hindi sa hotel." paliwanag niya.

"Perv." bulong ko at ngumisi naman siya.

Binibit niya ang bag ko at pinigilan ko naman siya. "Ako na." pigil ko sakanya pero hindi niya pa din binibitawan ang bag ko.

"Wag kanang pakipot. Ginagawa ko 'to para sa pinsan ko. You're not my type anyway." Ouch! parang biglang nanlambot ang buong sistema ko sa last line na sinabi niya.

Why do i feel this way? parang sinaksak ako sa puso ng sampung katao. Parang gusto ko nalang bumalik ng unit ko. Gusto ko magmukmok nalang duon, ayoko nang maglaro. Ayoko nang lumabas.

Buong pwersa kong hinablot ang bag ko at tumakbo pabalik sa unit ko. Bahala siya! Bahala siya sa buhay niya! Naiinis ako! Nakapasok na ako sa elevator at saktong nagsara na ang pinto bago niya pa ako maabutan.

Ramdam ko na tumulo ang luha ko. Shit! He's not fucking worthy for my tears! I should stop myself from this stupidity.

Pinunasan ko ang mata ko but another batch of tears fell. Sakto tumunog ang elevator hudyat na nasa 12th floor na ako. Kung nasaan ang unit ko.

Bumungad sa paningin ko ang hingal na hingal na si Axcel Alejandro. Like wtf! Angbilis niya! Tama hindi siya nag elevator, he used the stairs paakyat dito sa 12th floor. Damn this player, athlete din kasi kaya nakaya niya ito.

Bigla pa din ang bumalot sa sistema ko at napahawak naman siya sakanyang tuhod, naghahabol ng hininga. I didn't move nor speak, tinitignan ko lang siya at patuloy ang pag agos ng luha ko.

Nang makahinga na siya ng maluwag ay tumayo siya ng maayos atsaka pinunasan ang mga mata ko at bigla niya akong niyakap. Niyakap niya akong pagkahigpit higpit.

Ansarap sa pakiramdam, parang lahat ng bigat na naramdaman ko kanina ay natanggal sa isang yakap niya lang. Ayoko nang kumawala sa bisig niya dahil alam kong protektado ako.

Nalalasing ako sa higpit ng yakap niya at bumulong siya saakin.

"Maggie baby, I'm sorry."

Then i'm starting to sob because of what i've heard. Sincere ang pagkakasabi niya. Alam ko sa sarili ko na totoo ang sorry niya. Ramdam ko yun sa init ng yakap niya.

Hinalikan niya ang noo ko at pinunasan niya ulit ang luha ko.

"Shh, shh. Stop crying Mags. I'm sorry. Eto yung ayokong mangyare e. Shit, fuck this player. Hindi na dapat ako lumapit sayo. Hindi ka na sana na attached saakin ng ganito. Shit shit! I'm so sorry. This damn player doesn't deserve your precious tears."

Hindi ko maintindihan o makuha ang nilalaman ng sinasabi niya pero bawat salita niya ay bumabaon sa utak ko kaya mas lalo akong humagulgol at mas humigpit pa ang yakap niya saakin.

The School PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon