"Good morning!" bati saakin ng isang makisig na lalaking may hawak na tray na puno ng masarap na almusal at inilapag iyon sa table.
"Wait. Magtotoothbrush lang ako." patayo na ako mula sa aking hinihigaan ng bigla niya akong pinigilan.
"No, you stay and we will eat." ma-awtoridad niyang sabi.
"Ace naman nakakahiya!!" sigaw ko sakanya at bigla naman siyang lumapit saakin para halikan. Hinalikan niya ako ng madiin habang nakapikit ang mga mata niya, samantalang ako bilog na bilog ang aking mga mata sa sobrang gulat. Pwersahan ko siyang itinulak at napatakip saaking bibig.
"Oh my god, Axcel!" humagalpak siya sa tawa at inayos ang mga kubyertos at plato sa lamesa.
"Angkulit mo kasi e. C'mon, let's eat o baka gusto mo pa?" mas lalong lumaki ang kanyang ngisi kaya binato ko siya ng unan ngunit nasasalo niya naman agad ang mga ito.
"Waaah! You freak! I hate you!!!" sigaw ko sakanya at patuloy siya sa pagtawa niya.
Sumabay na ako sa kanyang kumain, kahit nakakunot ang noo ko ay nagpatuloy na lamang ako sa aking pagkain. Samantalang siya ay bawag subo ay mayroong kasamang pag sulyap.
"Kailangan ko nang umuwi mamaya." binasag ko ang katahimikan sa pagitan namin at umismid naman siya.
"Okay, i'll drive you home." malamig niyang sabi na para bang labag sa kanyang kalooban. Baka kasi nag aalala na sila mommy dahil hindi ako nakauwi kagabi.
Tumayo siya para iligpit ang mga pinagkainan namin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"What?" masungit niyang tugon. May pagkairita sakanyang mukha na kulang nalang ibato niya ang telepono niya.
"You can do it, Drew. I spent so much time with that freaking company, I have my own now." Atsaka niya binaba ang tawag. Perks of being Alejandro, sa dami nang kumpanya nila hindi na nila alam kung sino ang magha-handle sa iba.
Tinignan niya ako ng deretso kaya tumayo na ako sa aking kinauupuan. "Maligo ka na, ihahatid na kita sainyo." saka niya ako iniwan sa kwarto. Pero hindi ko maitatanggi sa sarili ko na ayoko pang umuwi, gusto ko pa siyang makasama. Baka totoo nga yung sinabi ni Ate Sasa, mas mahalaga sa mga Alejandro ang mga negosyo nila. Mas priority nila ang magpayaman kesa sa mga mas mahalagang bagay katulad ng pagmamahal.
Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko si Ace na nanunuod ng T.V.
"Wag mo na akong ihatid. May pupuntahan pa pala ako." may halong tampo sa tono ko. Actually wala naman talaga akong lakad pero pupunta nalang siguro ako ng mall. I declare pamper day today.
"Then, where are you going?" tinaas niya ang kilay niya habang komportableng nakaupong nakapa de kwatro.
"Pamper day. I need to relieve my stress." tinaasan ko din siya ng kilay.
"No, i'll drive you home. Baka makipag kita kapa sa lalaking yun." tumayo siya at lumapit ng bahagya saakin.
"Pakelam mo ba? Get a life, Alejandro. Go back to your business world." humalukipkip ako at mas lalo pa siyang lumapit saakin.
"Alright, sasamahan kita kahit anong trip mo." halos mapatalon ako sa sinabi niya. Para bang sumaya ang mood ko, gusto kong magtatatalon sa harapan niya pero syempre nakakahiya yun no atsaka pride ko pa din ang nakataya dito!
"Pano trabaho mo? I can handle myself, alam ko naman wala ng mas mahalaga pa bukod sa negosyo niyong mga Alejandro." Sabi ko at kitang kita na umigting ang panga niya.
"I pursue my dad's company in Canada para malagpasan ang yaman ni Ethan." he looked away, i can see the sadness in his eyes.
"Ano, kumpitensya lang ba lahat ng ito para sayo? Iniwan mo ako para makipagkumpitensya sa pinsan mo? Alam mo namang ikaw yung mahal ko kahit anong mangyare pero pinili mo akong iwan." Naiiyak na sabi ko. Kita sa mukha niya ang gulat.
"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko para lang ipaglaban ka. Nilampasan ko ang yaman ni Ethan para mailayo ka sakanya. Fuck! I know it was pathetic, pero mahal kita. I did that just to save you from a fix marriage." wala akong nakapang salita, sinalo ng dalawa kong kamay ang aking bibig at nagsimulang tumulo ang luha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/21752496-288-k917435.jpg)