Dumilim na ang kalangitan, nagsialisan na ang nga bata ngunit kami ni Ace ay nakaupo pa din sa bench.
"Anong nakita mo saakin? You've said that i was like Tanya." nagtataka kong tanong.
"Yeah, Tanya and you had an angelic face pero mga palaban kayo. Hindi nagpapatalo. Sobrang magkahawig kayo." tumango siya at nilagay niya ang mga palad niya sa kanyang hita, nag simula siya ulit magkwento.
"It was an accident, car accident. Sumalpok yung sinasakyan nila ng daddy niya sa truck. Daddy niya ang nakaligtas, si Tanya yung kinuha. Nung nakita ko yung bangkay niya napaluhod ako sa sobrang iyak, sa sobrang sakit. 2nd year high school lang tayo nun, napakabata niya pa. So, I decided to be a school player to get over of it, para makawala sa painful past."
Tumayo siya at hinila ako patayo, naglakad lakad kami at nagkwekwento pa din siya, unti unti ko na siyang naiintindihan.
"Alam mo nung nakita kita, nabuhayan ako ng pag asa. Parang nakita ko ulit si Tanya, nainlove ako sayo. Pero hindi kita nilapitan, baka isipin nila na rebound ka. Hindi ganun yun, dahil player din ako alam kong di ka maniniwala. Kaya din palagi kitang binubully nun para mas makilala ko yung ugali mo. Palaban ka nga, medyo maikli ang pasensya." then he smiled at me.
"You know what Ace, hindi ka naman mahirap mahalin. Kahit school player ka pa, kahit school bully ka man basta totoo yang nararamdaman mo ibibigay sayo ni God yung para sayo. I can see you've lost your faith in Him kaya nagkaganyan ka. Andami mong inargrabyado, madami kang dinamay. It's all about faith Ace." natigil kami sa harap ng sasakyan niya at huminga siya ng malalim.
"Angbilis naman ibigay saakin ni God yung para saakin, nasa harap ko na yata." nakangiti niyang sabi.
Uminit yung pisngi ko at feeling ko namula ako.
"You're blushing again Mags." hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at natawa nalang ako.
"Let's go home." sabi niya kaya tumango lang ako.
Habang busy siyang nagdadrive patungong condo ko, ako naman ay deretsong nakatingin sa daan at iniisip ko lahat ng nakwento niya saakin. Trahedya pala talaga ang nangyari sakanya. Nakakalungkot isipin dahil sa isang iglap binago siya ng sakit at bigat ng loob.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako saknya. Nag ngitian kami, angsarap sa feeling. Eto na naman yung puso ko, angbilis ng kabog. Ibang iba yung nararamdaman ko pag siya ang kasama ko. Ngayong mas nalinawan na ako, hindi na ako iiwas sakanya.
Yung mga katulad ni Ace yung di dapat sayangin, madali lang siyang magustuhan at mahalin. Swerte ni Tanya sa taong to. Pero mas maswerte ako dahil ako ang kasama niya ngayon, mas maswerte ako dahil kamay ko ang hawak niya ngayon.
"Thank you for listening to my story Mags." nandito na kami sa labas ng unit ko.
"No, THANK YOU for trusting me Ace." niyakap ko siya at niyakap niya din ako.
"I love you Mags, sana hindi ka din kunin saakin ni Lord." bulong niya saakin.
"He won't do that Ace, siguro ako yung magtutuloy sa kung anong sinimulan ni Tanya, have faith, keep your faith Ace."
Tumango siya at nginitian ako, nagpaalam na siya at unti unti na siyang nawala sa paningin ko.
This time no more games, magpapakatotoo na din ako. Handa na akong masaktan, handa na akong magmahal. Hindi na ako matatakot, i know God got my back.
Pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga at nakita kong may text saakin si Ace.
From: Ace Alejandro
I'll fetch you everyday, no need to use your car. Sabay na tayo palagi papasok. Kaya kung ako sayo, i-donate mo na yang sasakyan mo. Meron ka na din namang gwapong driver ;) take some rest sweety. Goodnight.
Damn! he's so sweet! kinikilig ako sa mensahe niya. So i replied him.
To: Ace Alejandro
How sweet. :) okay, i'll expect you tomorrow. See you then, goodnight Mr. Player.
Pagkatapos ko siyang mareplyan ay pinatay ko na ang mga lights and i decided to go to sleep.