"Ilang araw pala tayo dito?" papunta na kami sa isang seafood restaurant nila dito.
"Di na kita iuuwi." sabay kindat saakin, kaya sinapak ko kaagad ang braso niya.
"Sira! Di mo ba naisip na baka nagtataka na sila kung nasaan na tayo?!" pinandilatan ko siya at patuloy siyang tumatawa. Speaking of nagtataka na sila, chineck ko ang phone ko at ayun 32 missed calls from Ethan, 45 missed calls from Fia. Flinood pa ako ni Fia sa kakatanong niya kung nasaan na ako napadpad.
*Buzz..* *Buzz..*
Its Fia..
"Excuse me." paalam ko kay Ace.
"Hel- "
"Where on earth are you?! Thank God at sawakas sinagot mo na! Nasaan ka ba?! Sinong kasama mo!? Kasama mo ba si Ace?!" she said hysterically.
"Hey, calm down Fia! I'm fine, stop over reacting! I'm safe with Ace. Ipinasyal niya ako dito sa hotel and resort nila." paliwanag ko sa bestfriend kong halos maatake na.
"My goodness gracious! Pinaghahahanap na kayo si Ethan no! At may balak yata siyang pumunta dyan tonight. Nagdududa na siya sa cousin niya!"
Napanga-nga ako sa sinabi ni Fia, bakit kasi kelangan naming itago ni Ace? Lalo na kay Ethan e wala namang kami! Ano ba yan!
"Uhh, shit. Sige uuwi na kami bago mag gabi. I'll call you later, bye." nagmamadali kong binaba ang call dahil mag didilim na.
"What's wrong?" tanong ni Ace, halata yata sa mukha ko na nagpapanic ako.
"Uh, eh kasi hinahanap na nila tayo lalo na si Ethan, pupunta daw yata siya dito tonight. Umuwi na kaya tayo?" shit, nanginginig ako.
"Who cares? Hindi tayo uuwi Maggie, wala tayong dapat itago." seryoso niyang sabi habang inihahanda na ang mga pagkain namin sa mesa.
"Uh-uhm, e ano baka kasi anong isipin ni Ethan." napayuko ako.
"Why? Kayo ba? May namamagitan ba sainyo?" seryoso pa din siya.
"Hindi naman, kaso-"
"Gusto mo ba siya Maggie?"
"No, he's one of my closest friends. Walang halong malisya."
Biglang akong natigilan at nabigla dahil may sumapak agad kay Ace galing sa likod ko. And its Ethan!
"Ethan!!" pinigilan ko sya ngunit masyado siyang malakas kaya patuloy niya pading sinusuntok si Ace. Rumesponde na din ang mga gwardya at napigilan din ito.
"Fuck dude! Wag mo siyang isali sa collection mo!" anong collection?!
"Gago ka Ace! Alam kong pinaglalaruan mo lang si Maggie! Walang talo talo Ace! Kung anong akin ay akin! Alam kong ginagawa mo to para makaganti ka saakin! Damn! Fuck you!!"
Wait.... WHAT?!
"Maggie! wag kang makikinig sa mga pambobola ni Ace. Come with me! Ipapaliwanag ko sayo to lahat." nagmamakaawang sabi ni Ethan pero ako, nakatingin sa kawalan, inaabsorb ang mga sinabi ni Ethan. Kasinungalingan ba lahat to?
Naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko at tinitignan ako ni Ace, hindi siya lumaban kay Ethan, hindi siya nagsasalita kanina pa. Totoo ba yung mga yun?!
Tumakbo ako palabas ng restaurant, at di ko alam kung saan ang patutunguhan ko pero nagpatuloy pa din ako.
A/N: Hell weeks are finally done!! Sorry for a long wait my weirdee readers! Love love! Godbless us. xx