ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
NAYEE KIM JUNG ―୨୧ REAL WORLD Friday, 7:00 pm
NAUNA ng umalis sina Raine, Astrid at Bliss samantala kami ni Luan ay nandito pa sa labas ng main gate. Sabay kaming nagbabantay ng taxi halos 30 minutes na kaming nakatunga-nga dito.
"Tagal naman ng taxi," naiinip kong sabi at napakamot pa sa batok ko. Medyo madilim na kaya patay ako kay mama pag nagabihan ako.
"Oo nga e," wika ni Luan. Kinuha niya naman ang cellphone niya sa bulsa at may tinipa dito.
"Susunduin ako ng driver namin, gusto mo ihatid nalang kita?" malumanay niyang tanong.
Mabilis naman akong napa-iling, "Huwag na, medyo malayo ang bahay namin ayokong maistorbo ka," sagot ko.
"Shunga, magkaibigan naman tayo never kang magiging istorbo," nakangiting wika niya.
Aww, nakaka-kilig naman.
Akmang sasagot nako ng may tumabi sakin, mabagal na napatingala si Luan sa taong nasa tabi ko.
Napatingin naman ako sakanya.
Ang demonyong Lukas, ano nanaman ang ginagawa niya dito?
"She's coming with me," walang emosyon niyang sabi.
Sinenyasan ko pa si Luan na huwag pumayag pero ang baliw ay halatang kinikilig pa. Mabilis naman siyang napatango.
"A-ahm sure! Ingatan mo yang bestfriend ko ah? Baka iliko mo sa ibang daan," birong niya. Napa-irap nalang ako.
Akala ko ba kaibigan moko Luan? Huhu.
"I would never do that," nakabusangot ang mukha niyang sabi at agad akong hinila papunta sa sasakyan niya.
Binuksan niya ang pinto sa passenger seat at iniwan lang na nakabukas yun. Dumiretso naman siya sa kabila at sumakay. Wala talagang sense of gentleness ang lalaking to.
Pumasok naman ako sa loob at inayos ang pagkaka-upo ko.
Napatingin ako sakanya, "Saan moko dadalhin?" tanong ko.
Bored siyang napatingin sakin, "Malamang sa bahay niyo," sagot niya.