NAYEE KIM JUNG ―୨୧
REAL WORLD
Tuesday, 6:30 amMabilis kong inayos ang mga gamit ko sa bag dahil tangina late na ako. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina. Saktong hinahain na rin ni mama ang baon ko.
"Ma! hindi na po ako kakain late na po talaga ako," nagpapanic kong sabi at nilagay sa loob ng bag ang aking baon.
"Anong late ka diyan? 6:30 palang ng umaga, OA mo," sulpot ni Kuya Nathan.
Ba't nandito ang ugok na to?
"May meeting kami mamaya sa pageant kuya, ano ka ba," sagot ko. "Eh, ikaw? diba may pasok ka din?" pagbaling ko sakanya.
"Wala kaming pasok ngayon kasi may event sa school." sagot niya pero nasa TV ang atensyon.
Edi kayo na.
"Ang aga naman ng meeting niyo na 'yan anak." wika pa ni mama.
"Ma, 7:00 po talaga ang meeting pero siyempre medyo malayo ang MIU dito sa satin kaya dapat umalis nako," sagot ko. Napatango naman si mama. Halos 20 minutes ata ang byahe mula samin papuntang school.
Akmang lalabas nako ng bahay ng magsalita si Kuya.
"Meeting-meeting ka diyan, baka may boyfriend ka na!?" sigaw niya. Hindi ko nalang siya pinansin.
Boyfriend, my ass.
Si Kuya talaga nagiging si Papa na. Namiss ko naman tuloy si Papa. Ganyan na ganyan kasi ang linyahan kapag nandito siya. Palagi kasi siya doon sa Korea. Bakit nandoon siya? siyempre doon talaga siya nakatira eh, kasi koreano siya at nandoon din ang pinagkikitan ng pamilya namin na isang resto. Were half korean halata naman sa apelyido. Sakanya ko din nakuha ang kagandahan ko, chariz. Pero seryoso, pogi si papa kaya nga baliw na baliw sakanya si mama. Laughter-laughter!
Anyways, agad akong nagbantay ng taxi pagkalabas ng bahay at swerteng nakasakay agad ako.
"Kuya, sa Montelejo ho tayo," ani ko.
Mabilis kaming nakarating sa school. Tinignan ko naman ang relo ko 6:56 am. Naks, tamang-tama lang.
"Good morning, Kuya!" bati ko sa guard at nginitian niya naman ako.
Habang naglalakad ako ay may biglang bumangga sakin dahilan para mahulog ang mga dala kong libro at siya naman ay natapunan ng dala niyang milktea.
"S-sorry," paghingi ko ng paumanhin at pinulot ang mga libro kong nagkalat sa lupa.
"Sorry your face," malamig niyang sagot pero may napapansin akong pang-aasar sa tono ng pananalita niya.
Napatingin naman ako sakanya at sa apat na kasama niya, mga taga- section 1 ata 'to.
"Nag-sorry na nga ako diba? ikaw nga tong hindi nakatingin sa dinadaanan mo," wika ko. Umagang-umaga binibwesit ako eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/251235975-288-k910204.jpg)
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...