033: Behind the Masks

355 17 1
                                    

NAYEE KIM JUNG ―୨୧REAL WORLDSunday, 6:00 am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NAYEE KIM JUNG ―୨୧
REAL WORLD
Sunday, 6:00 am


HINDI ko ugaling maaga gumising lalo na kung walang pasok, pero heto ako ngayon 6:00 am palang ay gising na gising na ang diwa ko. Sobrang bilis ng panahon, umpisa na ng christmas vacation namin at ngayong araw namin mami-meet ang creator ng Gang Raid na si Mr. Minzaki at higit sa lahat ang Dark Demon Gang.


Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Nandito ako ngayon sa taxi. I can't stop my feet from tapping the floor and I don't know why.


Siguro dahil hindi pa ako ready para ma meet ang Dark Demon Gang? Or si Justnobody?


Napailing-iling nalang ako.


Ano naman ngayon Nayee kung ma-meet mo si Justnobody? Edi masaya.


"Ma'am nandito na po tayo," wika ng driver.


Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Nandito na pala kami sa mall na pagkikitaan namin. Agad naman akong nagbayad at bumaba. Bumuntong-hininga muna ako bago pumasok sa loob.


Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil maraming tao ngayon. Sabagay, christmas holidays na. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag-chat sa GC naming lima.


MGA INIWAN GC


Nayeemaganda rin: Hoy, asan na kayo?


Napa-irap ako ng wala pa ni isang nag-seen ng message ko.


Asan na ba ang mga yun?


Habang naghihintay ako ng reply ay may namataan akong dalawang lalaki na naglalakad sa di kalayuan. Sigurado ako na si Khyle ang isa at yung kasama niyang medyo kahawig ni Lukas, baka si Lukas nga.


Napatingin muli ako sa cellphone ko ng mag-vibrate ito.


MGA INIWAN GC


MamiLuan: Papunta palang ako, gosh!


Astridmarupoks: Wow ha, ang aga mo @Nayee character development na ba yan?


replying to Astridmarupoks
Nayeemaganda din: Ulol, maaga lang talaga akong nagising. 😐


Bahagya akong bumungisngis dahil sa palusot ko.


Astridmarupoks: Kailan ka pa maaga nagising? kung hindi ka nga sinisigawan ni tita hindi ka naman mahihiwalay sa kama mo!


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now