ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ASTRID DOMINGO ―ꕤ ONLINE WORLD Friday, 8:30 pm
"Okay all we have to do is.."
Nandito kami ngayong sampu sa garden kung saan namin napagkasunduan na magkita-kita. Nakikinig lang kami sa sinasabi ni Nazumi dahil siya ang may pinakamataas na rank samin.
"Kailangan niyong magpa-taas ng rank para sa araw ng game ay hindi kayo basta-bastang matatalo. Alam niyo naman na makakalaban natin ang Dark Demon Gang, hindi basta-basta magpapatalo ang mga 'yon." wika pa niya.
"But, nong Gang Raid natalo niyo sila," wika ni TheHeiress.
Natawa naman sina Raven at Nazumi, "Well, parang may kakaiba don kay Justnobody that time, parang wala siya sa focus. But that's the other thing, paniguradong babawi ang mga yun satin dahil natalo natin sila." ani niya kaya napatango-tango kami.
Napa-isip din ako sa sinabi ni Nayee, nong namatay ako ay agad akong nagising sa real world at pinanood nalang ang livestream. Mukhang wala nga sa focus si Justnobody 'non, parang hindi siya lol.
"So, are we clear?"
"Yup," sabay nilang sagot.
Matapos ng meeting namin ay nag mission lang kaming lima para naman tumaas ang rank namin. Matapos naming mag mission ay agad na kaming nag-log out.
REAL WORLD Saturday, 9:00 am
Pagbaba ko ng kwarto ay agad bumungad sakin ang listahan ng bibilhin dito sa bahay. Napasapo nalang ako sa aking noo dahil ako nanaman ang pabibilhin niyan ni mama.
Nag-leave si mama sa trabaho ngayon dahil malapit na ang christmas kaya tambak nanaman ako sa mga gawain. Habang si Nanay naman ay umuwi muna sakanila sa probinsya para makasama din ang pamilya niya ngayong holidays.
"Astrid, kumain ka na pagkatapos ay mag-grocery ka," bungad ni mama.
Pabagsak akong umupo sa upuan at kumain na. Wala naman akong magagawa kapag si mama ang nag-utos, baka masapak pako. Agad akong nagsipilyo at inayos ang mukha ko sa salamin. Mamaya nako maliligo tinatamad pako.
Simpleng shorts at t-shirt lang ang suot ko. Sumakay nako ng taxi papunta sa mall. Pagpasok ko ay agad akong dumiretso sa supermarket, kumuha naman ako ng cart dahil marami-rami tong pinapabili ni mama, kay Aster pa lang kasi ubos na agad ang pagkain namin. Ewan ko ba kung kapatid ko ba talaga siya, mukhang sila ni Nayee ang magkapatid eh.