x. end

318 16 6
                                    

NAYEE KIM JUNG ―୨୧
ONLINE WORLD
Year 2022


Nilibot ko ang paningin sa buong city ng Eclipsa. Sa isa at kalahating taon na paglalaro ko ng Gang Raid ay hindi ko alam na sa simpleng virtual game na ito ay magbabago ang buhay ko at makikilala ko ang lalaking mamahalin ko habang-buhay.


"Hey,"


Napangiti ako ng marinig ang boses niya.


"Oh, akala ko hindi ka mag-oonline ngayon?" tanong ko.


Natawa naman siya, "I think, my day would not be complete if I can't see you," sagot niya.


Napangiti ako at lumapit sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Ngayon naabot na namin ang max level which is level 100. Napangiti ako ng maalala ang mga pinagdaanan namin bago namin naabot ito.


"HOY! TAMA NA YANG BEBETIME NIYO! TARA ZOMBIE RAID!" sigaw ni FantasticBliss.


"Nanaman?" tanong ko.


"Tara na masaya 'to!" dagdag ni Coolme.


Napatingin ako kay Justnobody, "Ano? laro tayo?" tanong ko.


"You decide, I'll just follow whatever you want,"


Napatingin naman ako kina FantasticBliss at Coolme na naghihintay ng sagot namin.


"Sige, maglalaro kami," nakangiti kong sagot.


Napasuntok sa ere si Coolme ng marinig ang sagot ko, "Hali na kayo!" wika niya at nauna na silang mag teleport ni FantasticBliss.


Sumunod naman kami sa pag teleport at sa pagmulat namin ay bumungad samin ang ibang kaibigan ko at ni Lukas. Nandito kaming lahat sa nakakatakot na hallway ng asylum.


"Lalayo nako sa isa diyan baka itulak ako ulit," pagpaparinig ni Coolme.


"Hindi ko naman sinasadya yun e," wika ni FantasticBliss.


"Mama mo hindi sinasadya, tuwang-tuwa ka pa nga e," sagot naman niya.


"Eh, nakakatawa ang mukha mo e!" natatawang sabi ni Fantasticbliss.


"Psh,"


"Sorry na nga e," ani naman niya at inalog-alog ang balikat ni Coolme.


"Bahala ka diyan!"


Nagulat kami ng binaril ni FantasticBliss si Coolme sa paa. Ayon namimilipit siya sa sakit.


"Bakit ba may barilan ha?!" sigaw niya at dali-daling uminom ng potion.


"Kulit mo kasi, sabi na ngang sorry e," Bliss answered and gave him a glare.


Natawa nalang kaming lahat sakanila. Hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang bangayan ng dalawa.


The Zombie Raid will begin in...


3!


Nang marinig namin iyon ay naghanda na kami at kinasa ang mga baril namin.


2!


Mas naging alerto naman kaming lahat.


1!


It's Game on, Gangsters!


Agad namang nagsilabasan ang mga zombie at mabilis na tumakbo papunta samin.


Nagka-tinginan kaming lahat.


"Game on, or Game over?" nakangising tanong ko.


"Game on!"


Once again,


This is GANG RAID ONLINE.


The world where we only RESPAWN, RELOAD and REPEAT.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now