ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
NAYEE KIM JUNG ―୨୧ ONLINE WORLD Tuesday, 9:20 pm
"Mamatay ka na!" sigaw ko sa kalaban naming cerberus.
Kaunti nalang ang life nito pero buhay pa din ang gago.
Kailangan naming makakuha ng 1000 cerberus fangs para ma kompleto ang mission na to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-patid sakin ni Lukas nong nakaraang linggo.
"Nazumi, ilag!" sigaw ni Lunaris, buti nalang at inupgrade ko ang agility ng character ko kaya mabilis kong naiwasan ang pag-kagat sakin ng isang cerberus.
"200 fangs nalang," anunsyo ni Raven.
Hinarap ko naman ulit ang isang cerberus at sunod-sunod itong pinaputukan ng baril. In-imagine ko nalang talaga na mukha ni Lukas tong binabaril ko kaya halos lahat ng putok ko ay sumapol sa mukha ng cerberus. Nangangalahati na ang life nito ng may narinig kaming isang malakas na putok ng baril dahilan para tuluyang mamatay ang cerberus.
Sabay kaming napatingala at nakita namin ang isang lalaki sa taas ng puno na may hawak na sniper. If I'm not mistaken it's Justnobody the strongest player and the leader of Dark Demon Gang.
Anong namang ginagawa niya dito?
"It's so easy to kill, natagalan ka pa," wika niya habang nakatingin sakin.
I scoffed. Ang yabang.
"Mission namin 'to. It's none of your business," nakapameywang kong sagot.
Tumalon naman siya sa puno at inayos ang suot nitong military suit and he slayedit.
"Teka lang, ba't ka ba nandito?" tanong ko.
Napansin naman namin ang paglabas ng ibang members ng Dark Demon Gang.
"We're also here for a mission," sagot ng isa. Binasa ko naman ang username niya sa taas. Sparrow.
"Aalis na kami, kailangan pa naming maghanap ng natitirang fangs," wika ko. Natigil ako sa paglalakad ng hinawakan ni Justnobody ang braso ko.