LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
REAL WORLD
Thursday, 7:09 amMaaga akong nagising, it's christmas day! Agad akong bumaba ng kwarto at dumiretso ng kusina para sana magluto ng almusal. Pero nagulat ako ng makita si Papa na nagluluto habang sumisipol pa.
Tumabi naman ako sakanya at sumandal sa lababo, "Pa, bakit ho kayo nandito? Akala ko nasa office kayo?" tanong ko.
"It'a christmas, I want to spend time with my daughter," sagot niya at napatingin sakin.
Awwww.
≧ω≦
Agad ko namang siyang niyakap. Nagpapasalamat talaga ako na kahit sobrang busy ni Papa sa trabaho ay nagagawa niya pa ding maglaan ng oras para sakin, unlike others na nakakalimutan na sila ng parents nila dahil sa trabaho.
"I miss you Pa," bulong ko habang nakayakap parin sakanya.
"I miss you more, Luan," sagot niya at sinandal ang ulo sa ulo ko.
Tinulungan ko nalang maghanda ng lamesa at mga gamit sa pagkain ang mga maids namin. Si Papa kasi ayaw magpa-tulong dahil kaya niya naman raw at gusto niyang siya ang magluluto sakin ngayon.
Masaya lang kaming kumain ni Papa ng hinanda niyang almusal at nagkukwentuhan pa. This is the best christmas so far for me.
"Pagkatapos nating kumain, maligo ka na at magbihis dahil may pupuntahan tayo," wika ni Papa at sumubo ng kanin.
Kumunot naman ang noo ko, "Saan po tayo pupunta, pa?" tanong ko.
"Sa kaibigan ko," tipid niyang sagot.
"Bakit kailangan ko pang sumama, Pa?" tanong ko pa.
Napatingin naman siya sakin, "Kailangan, Luan," sagot niya lang.
Napatango-tango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos na kami ni Papa ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at hinugasan naman agad iyon ng mga maids.
Mabilis naman akong naligo at nagbihis. Simpleng dress lang ang suot ko at nag rubber shoes lang na puti sa ibaba.
"Luan, tara na!" sigaw ni papa.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon at agad na bumaba at sumakay na sa kotse. Nakatingin lang ako sa bintana sa buong byahe. Sino kaya ang kaibigan ni Papa na pupuntahan namin? First time na isama niya ako sa mga pupuntahan niya.
"We're here," wika niya.
Napatingin naman ako ulit sa bintana at bumulaga sakin ang isang malaking bahay, actually hindi siya bahay mansion siya guys, mansion.
Pinagbuksan naman kami agad ng gate ng guard, pagpasok namin ay mas nagulat ako dahil sa sobrang lawak at linis ng paligid, marami ding mga hardinero ang nag-aalaga ng mga tanim.
Bumaba na ako ng kotse, hinintay ko na muna si Papa na makababa bago maglakad papunta sa malaking pintuan ng bahay.
Bumukas naman ang pinto at bumungad samin ang lalaki na nasa 60's na ata, kasing-edad lang sila ni Papa siguro.
"Welcome, Arturo!" masayang bati nito kay Papa.
Napangiti naman si Papa at niyakap ito. "Mabuti nalang at inimbitahan mo kami dito sa iyong bahay kumpadre," sagot naman ni Papa at tiningnan ang kabuuan ng paligid.
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...