LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
REAL WORLD
Tuesday, 8:26 am"Ikaw na bahala diyan Nayee ha!" sigaw ko matapos namin maihatid sa bahay nila ang ibang pagkain na niluto ko kanina. Marami kasi ang pinaluto ni Raine sakin dahil maraming bisita ang dadalo sa binyag ng kambal nila ni Blake.
"Oo, don't worry," nakangiting sagot niya.
"Huwag mong kakainin!" natatawang dagdag ko.
Nakita ko pa ang pag-irap niya sakin bago paandarin ni Khyle ang kotse papunta sa bahay nina Raine dahil pinakiusapan din niya ako na tumulong sa paghahanda dahil doon din mismo ang reception.
"We're here," wika ni Khyle at pinarada ang kotse sa labas ng bahay nina Raine.
Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto, "Salamat," nakangiting wika ko.
Napangiti din siya at binuksan ang baggage ng kotse para ilabas ang ibang pagkain na niluto ko at ang mga kakailanganin na designs.
"Ako na diyan," ani ko.
"No, mauna ka na doon. Ako na bahala," sagot niya at sinimulang bitbitin ito isa-isa papasok.
Swerte ko talaga.
Khyle and I are both successful now. He's a doctor and I'm a flight attendant and the soon to be owner of our company. We're not yet in the marriage phase like Astrid and Gabriel. Nagpa-plano na kasi ang dalawang magpakasal in the next 2 months. Bilib din kami sa dalawang 'yon after all that happened to them eh, sa kasalan parin naman pala mapupunta. Kami ni Khyle ay nag-iipon pa ng sapat na pera para sa pagpapa-tayo ng sarili naming bahay. We want our future to be secured first before we enter that part.
Nayee and Lukas are also planning to get married after Nayee graduates in her second degree which is Pharmacy. It's her second dream course. Now, she's a licensed teacher major in Science and currently teaching back in MIU at dahil may trabaho na din siya at sapat na sweldo, nagawa niya ng pag-aralin ang sarili niya. Ayaw kasi ng babaeng 'yon na sina Tita at Tito parin ang magpapa-aral sakanya.
Lukas is with her throughout her journey and never leaves her side kahit busy rin ito sa sarili niyang buhay at career. Lukas is a model and the CEO of their company, but he never let Nayee feel unwanted and always makes time for her. He even sacrifices his own time, same goes with Nayee. Kaya para sakin maswerte sila sa isa't-isa.
On the other side, Hux and Bliss are married now. Oh diba? nauna pa si loka-loka saming dalawa ni Nayee. But anyways, kahit aso't-pusa ang dalawang 'yon ay alam naming mahal nila ang isa't-isa. Parang naging love language na ng dalawang 'yon ang pag-aaway palagi kaya nasanay na rin kami.
Siyempre, magpapatalo ba sina Raine at Blake? successful na rin ang dalawa. Raine is an engineer and Blake is an architect. Grabeng combination. Secure na secure na talaga na may gagawa ng mga bahay namin.
Masaya ako na after all the sacrifices, struggles, heartaches that we've been through, in the end it's all worth it. Nangyari na lahat ng gusto naming mangyari sa mga buhay namin at nakuha na rin namin ang gusto naming makamit.
Nakangiti akong pumasok ng bahay nina Raine. Binati ako ng dalawang maids nila at binati ko rin sila pabalik.
"BLAKE! BILISAN MO NA DIYAN, HINAYUPAK KA!" rinig kong sigaw ni Raine. Natanaw ko siya na nagkakabit ng designs.
"Grabe, relax ka lang," ani ko.
Napatingin naman siya sakin, "Salamat naman Luan at nandito ka na," ani niya at bumaba ng hagdan.
![](https://img.wattpad.com/cover/251235975-288-k910204.jpg)
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...