ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
RAINE LEE PEREZ ―𖤐 REAL WORLD Monday, 6:40 am
BUMABA ako sa taxi ng makarating na ito sa tapat ng school. Agad ko namang inabot sa driver ang bayad ko. Naghintay muna ako ng ilang segundo sa sidewalk para maka-tawid dahil maraming kotse at taxi ang humaharurot sa daan.
Medyo kumukonti na ang mga ito kaya napag-isipan ko na na tumawid. As my leg stepped down, may bigla nalang rumaragasang kotse ang dumaan sa harap ko!
Naknamputcha! muntikan na akong ma side swift don ah?!
"TANGINA KA! KUNG SINO KA MAN KONSENSYAHIN KA SANA KINGINA MO!" sigaw ko habang nakasunod ang tingin sa kotse na yun.
Nakabusangot kong pinakita ang I.D. sa guard at agad na pumasok. Wala na, sira na ang maganda kong mood. Dire-diretso akong naglakad at napag-isipan ko munang dumaan sa cafeteria para bumili ng pagkain.
Pagdating ko sa cafeteria ay medyo marami ang mga students na bumibili. Pumasok naman ako sa loob at matiwasay na pumila. Ilang minuto din akong nakatayo doon bago nakabili ng pagkain. Simpleng cookies at milktea lang ang binili ko para less gastos.
Kumakain ako habang naglalakad sa hallway, pinag-titinginan din ako ng mga students na nadadaanan ko.
Napa-irap ako.
What are they looking at? First time lang ba sila nakakita ng taong kumakain?
Napa-iling nalang ako.
Pagpasok ko ng room ay sumalubong sakin ang mga kaibigan kong sina Luan, Nayee, Astrid at si Bliss na mahimbing na natutulog.
"Hala, first time naming nauna sayo!" masayang sabi ni Astrid. That's what she thought.
"Shunga! kanina pako dito dumaan lang ako sa cafeteria para bumili," sagot ko naman.
"Ay, kala ko mas nauna kami. First time in the history sana 'yon," ani pa niya.
"Tulog nanaman 'yan?" pagbaling ko at tinuro si Bliss na nakadukdok sa table niya.
Nilapag ko naman ang mga gamit ko sa aking upuan at lumapit ulit sakanila na nagkukumpulan sa isang tabi, magkakalayo kasi ang upuan naming lima.
"Naku, magkasabay lang kami niyan, pagpasok ng classroom tulog agad," sagot naman ni Nayee. "Minsan napapa-isip ako kung hindi ba 'yan natutulog sa bahay nila." dagdag niya pa kaya natawa kaming tatlo.