ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
NAYEE KIM JUNG ―୨୧ REAL WORLD Thursday, 7:30 pm
NAPAHIGA ako sa kama dahil sa pagod. Halos maubos ang laway ko sa kaka-kuwento kina Luan tungkol sa bet namin at sa offer sakin ni Lukas.
Kumain lang ako saglit at agad na nag-online sa Gang Raid.
ONLINE WORLD Thursday, 8:00 am
Nandito ako sa labas ng city dahil dito ang tagpuan naming lima. Sabay na kaming pupunta sa Abandoned factory para doon i-meet ang Dark Demon Gang at doon din gaganapin ang level 1 ng game.
Currently nasa #1 trending ang Rolleta Event at marami din ang mga bets kung anong gang ang matitira.
FantasticBliss is now online!
Raven is now online!
Lunaris is now online!
HeyAstray is now online!
Ayon oh! Sabay-sabay talaga ang mga loka.
HeyAstray: Hoy te, asan ka?
Nazumi: sa pwet mo nagkakape.
HeyAstray: Gaga.
Nazumi: hahahahhaha nasa labas ako ng gate ng city, bilisan niyo na.
Ilang minuto pa ay natanaw ko na silang apat. Kinuha ko sa inventory ang isang maliit na box pero hindi ito isang ordinaryong box lamang. Hinagis ko ito sa lupa at unti-unti itong nag-form sa isang motorcycle. Ganun din ang ginawa nilang apat at sabay kaming nag-byahe papunta sa Abandoned Factory.
Midnight Abyss Gang is now entering Abondoned Factory!
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.