010: Diamond Ring

339 19 5
                                    

RAINE LEE PEREZ ―𖤐
ONLINE WORLD
Thursday, 9:00 pm


Pagkatapos naming napanalo ang level 1 ay medyo gumaan na ang loob ko. Isa nalang ang problema namin ngayon at 'yon ay ang level 2.


Level 2 will be held in the destroyed city!


Oh my God?!


Sa destroyed city? seryoso?


Sa pagkakaalam ko, maraming malalakas na monsters at mafia sa lugar na yun. One time nga nagkaroon kami ng mission sa lugar na yun at hindi pa kami naabutan ng 10 minutes ay patay agad kaming lima.


"Ano daw? sa Destroyed City?" naguguluhan na tanong ni Coolme.


"Oo nga, paulit-ulit?" pilosopong sagot ni FantasticBliss. Tiningnan naman siya ng masama nito.


"Ilang minuto palang kami diyan noon, dedo na agad kami," komento naman ni HeyAstray.


"Lostsoul, HeyAstray, marami ba kayong baon na potion at antidotes?" tanong ni Justnobody.


Napatango naman silang dalawa. We started our journey towards the Destroyed City using our motorcycles. Hindi kasi pwedeng mag-teleport sa oras na to. Gusto ata talaga kaming pahirapan.


Malayo ka palang ay tanaw mo na ang mga usok na nanggagaling sa mga sirang building at ang mga ungol ng mga monsters. Bumaba kami sa mga motorcycle namin at napa-angat ng tingin sa malaki pero sirang gate ng syudad.



 Bumaba kami sa mga motorcycle namin at napa-angat ng tingin sa malaki pero sirang gate ng syudad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




"Maligayang pagdating Group 1!" bati ng isang NPC.


Lumapit naman kami sakanya, "Sigurado ba kayo na gagawin niyo ang mission na ito?" tanong niya.


"Of course," sagot ni Justnobody.


"Merong isang rule ang level na ito gangsters, hindi kayo makaka-log out sa laro hangga't hindi niyo natatapos ang mission," sagot niya.


So once we play, there's no turning back.


Napatingin naman kami sa isa't-isa, "We will do it," sagot ni Nazumi.


"Kung sa gayon, maaari na kayong pumasok," ani niya at tumabi para makadaan kami.


Group 1 is now entering Destroyed City!


Objectives:
Kill all the enemies
Kill the boss
Retrieve the Diamond Ring


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now