ASTRID DOMINGO ―ꕤ
REAL WORLD
Monday, 9:30 amOh my geeee! Hindi parin ako maka-get over sa meet-up namin kahapon. Imagine, ang grupo nina Gabriel pala ay ang Dark Demon Gang!
What a small world after all.
Tapos si Gabriel pala si Lostsoul, naalala ko nanaman tuloy ang pagsagip niya sa buhay ko nong Clash of the Cities. Pero at the same time, I feel bad for Nayee kasi alam kong nag-expect siya na naglalaro si Lukas dahil naglalaro yung mga kaibigan niya e.
Tapos anlala pa kasi ang kuya pala ni Lukas ang naglalaro at siya pa si Justnobody. Edi, sana si Lukas nalang.
Napatingin kaming dalawa ng kapatid kong si Aster sa pinto ng tumunog ang doorbell. Nagtulakan pa kaming dalawa kung sino ang magbubukas nito pero sa huli ay ako parin ang nagwagi. Walang ekspresyon ang mukha niya ng buksan nito ang pinto. Napatingin ako kay Aster ng pumasok ito na may dalang tupperware na may laman na grahams.
"Pst, kanino galing yan?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita bagkus ay tinuro niya lang gamit ng hintuturo niya ang pintuan. Wala naman akong mapapala sa kapatid kong to kaya tumayo nalang ako at tinungo ang pinto. Agad namang bumungad sakin ang babaeng maputi, maganda, straight ang nakalugay nitong buhok at parang magkasing-edad lang sila ni Aster.
"Hi!" masiglang bati ko sakanya.
Agad naman siyang ngumiti dahilan para lumabas ang isang dimple nito. "Hi po!" bati niya pabalik.
"Dito ka ba nakatira? Ngayon lang kita nakita dito ah?" ani ko.
Ngumiti naman siya, "Ah, opo. Bagong lipat lang po kami sa subdivision na ito, kahapon lang po actually," sagot niya. Kaya pala, wala kasi ako dito kahapon dahil nga sa meet-up kaya hindi ko alam na may lumipat pala.
"Naku, huwag ka na ngang mag-po sakin nagmumukha akong matanda e," biro ko.
"Ay, sorry po," ani niya.
"Tawagin mo nalang akong Ate Astrid, ikaw ano name mo?" tanong ko.
"Ako po si Marguax," pagpapakilala niya.
Sakto namang dumating si Aster habang dala ang bagong hugas na tupperware.
"Ay, siya pala si Aster ang kapatid ko," pagpapakilala ko kay Aster. Pasimpleng kinurot ko ang braso nito para pansinin si Marguax.
"H-hi," ani niya habang nakangiti ng pilit. Para siyang natatae na ewan.
"Hi Aster," bati din sakanya ni Marguax.
Nilahad naman ni Aster ang tupperware kay Marguax na halatang nanginginig ang mga kamay nito.
Anong nangyayari sakanya? May epilepsy ba siya? Nalalamig? eh, hindi naman masyadong malamig.
"H-heto na pala yung tupperware," nauutal pang sabi nito.
Tinanggap naman ito ni Marguax.
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...