05: Partner

579 19 4
                                    

RAINE LEE PEREZ ―𖤐REAL WORLDFestival WeekMonday, 7:00 am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


RAINE LEE PEREZ ―𖤐
REAL WORLD
Festival Week
Monday, 7:00 am


SA WAKAS. Umpisa na ng review namin ni Bliss ngayon para sa quiz bee next week. Siyempre exempted din kami sa klase buong linggo.


Gusto ko pa nga matulog dahil nag-puyat kaming lima kaka-nood ng Duel. Okay naman ang kinalabasan ng Duel kahapon. Masaya nga eh, kasi first time naming manood.


Pagdating ko sa library ay natanaw ko na ang magiging partner ko. Nakatalikod ito sakin habang nakayuko.


Nilapag ko ang mga gamit ko at napatingin sakanya na kasalukuyang nagbabasa pala ng libro, "Hi! Good morning," bungad ko.


He looked at me with boredom, "Mag-review ka na para hindi ka mag-mukhang tanga sa quiz bee next week," sagot niya.


Aba! wala manlang introductory message? Napaka-straight to the point ah?! The nerve of this guy.


Inaamin kong ayaw ko sa Science pero hindi ko naman sinabi na hindi ako magaling sa subject na 'yan.


"For your information Mister, matagal nakong nag-review bago pa mag-start tong review natin." wika ko at kinuha ang libro ko sa bag.


"Do I care?" sagot niya at binaling ulit ang tingin sa libro.


Now I felt what Nayee felt. Just great.


Habang nagre-review ako ay biglang nagsalita itong mayabang sa harapan ko. "I have a question,"


Tumaas naman ang isang kilay ko, "Ano?"


Napatingin siya sakin, "What was the name of the first supersonic passenger airliner?"


I smirked. Basic.


"Concorde," tipid kong sagot.


"Hmm, how many hearts does octopuses have?" tanong niya pa.


"Three,"


Mabagal siyang pumalakpak, "Good, siguraduhin mo lang na ganyan ka din sa quiz bee,"


Kapal.


"Ako naman,"


Inayos niya naman ang upo niya at tumingin sakin.


"What was the name of the first man-made satellite launched by the Soviet Union in 1957?" I asked.


Napangisi naman siya, "Sputnik 1,"


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now