RAINE LEE PEREZ ―𖤐
REAL WORLD
Sunday, 7:30 amIt's finally sunday. Pero heto ako nagliligpit ng mga gamit ko papasok sa bag dahil pupunta ako mamaya sa school dahil may practice parin hanggang weekends si Blake. Remember, I'm his slave for a week kaya kahit saan mang parte ng kontinente si Blake ay dapat nandoon din ako.
Bumaba na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita ko naman si mama na hinahanda ang almusal namin.
"Oh, aalis ka nanaman?" bungad niya.
Bumuntong-hininga ako at napatango, "Yes ma, kailangan e," sagot ko.
"Oh siya, basta huwag kang magpa-gabi okay?" Tumango naman ako bilang pagtugon.
Matapos naming kumain ay nagsipilyo na ako at agad na umalis ng bahay. Ilang minuto pa ay nakasakay na ako ng taxi papuntang MIU. Pesteng Blake yun, di manlang ako sinusundo. Ako na nga nagpapakahirap na silbihan siya ako pa yung gumagastos ng pamasahe ko.
Bumaba na ako ng taxi nang marating na namin ang main gate. Pinakita ko na ang I.D. ko at agad na pumasok.
"Faster, slave!" sigaw ni Blake ng matanaw na niya ako.
Atat ka te?
"Eto na po, Master," ani ko at nilapag muna ang bag ko sa bleachers at kinuha ang bag niya mula sa likod niya. Mukhang kakarating niya lang din.
"Ingatan mo yang bag ko, mas mahal pa 'yan sa buhay mo," ani niya bago dumiretso sa court.
Aba! Eh, kung ihampas ko kaya sayo tong bag mo ha?!
Napa-irap nalang ako. Umupo naman ako sa bleachers at as usual nanonood lang ako habang nagpa-practice sila. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong nag-vibrate. Binuksan ko naman agad ito at nakita ang message ni Nayee.
Nayeeeeee
Teee, may test tayo bukas dalawa, science tsaka history! 😵Raineeeee
Talaga!? Shuta, pano ako makakapag-review niyan e, nandito ako sa school.Nayeeeeee
Ay oo nga pala no? What if, sabihan mo nalang si Blake na mga 3:00 pm uuwi ka kasi kailangan mong mag-review?Hmmm, pwede. Sasabihan ko mamaya si Blake na uuwi ako sa hapon dahil kailangan kong mag-review. Kung ayaw niyang pumayag bahala siya.
Raineeeee
Sige, yun nalang sasabihin ko. Salamat sa info Nayeee. 😘Nayeeeee
Welcome.Seen.
Pinatay ko na ang phone ko at muling napatingin kina Blake na nagpa-practice pa rin. Kailangan kong magbait-baitan sakanya mamaya para naman payagan niya akong umuwi ng maaga. Bakit ba kasi biglaan yung test?
Nakita ko naman si Blake na papalapit na sa pwesto ko. Napatingin ako sa relo ko, 12:00 pm na pala break time na nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/251235975-288-k910204.jpg)
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...