ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
@M.Bliss Gandang bungad, grabe sana hindi nalang ako nagising.
@huxxxx Respeto sa single. 😇🙏
NAPAILING-ILING nalang ako sa mga comments ng mga kaibigan ni Nayee at ng mga siraulo kong kaibigan. Nagulat ako ng may bumato sakin ng unan, napatingin ako sa gawi ni Nayee na naka-upo na sa gilid ng kama at masamang nakatingin sakin.
"What?" inosenteng tanong ko.
"What-what-in mo mukha mo! bakit mo pinost to?!" sigaw niya at pinakita sakin ang picture niya na kakapost ko lang.
I chuckled, "Why? you look cute there," wika ko.
Kumuha naman siya ulit ng unan at hinagis sakin buti nalang at naiwasan ko. Ang hilig naman nitong mambato, kagabi pa siya ah. Pasalamat siya mahal ko siya.
What the hell Lukas? cringe!
"Bahala ka nga sa buhay mo, nagugutom na ako," ani niya at mabilis na lumabas ng kwarto.
Pasimple nalang akong napangiti at sumunod sakanya. Paglabas ko namataan ko siyang nakikipaglaro kay Lucia. Sumandal ako sa pader at masayang tiningnan sila. I'm so lucky I met this girl.