ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ASTRID DOMINGO ―ꕤ REAL WORLD Friday, 6:30 am
HI, HELLO, MABUHAY!
Say hello to the beautiful Astrid! hihi. Friday ngayon kaya excited ako kasi weekends na bukas, no studies, no hassle.
Mabilis akong bumaba ng kwarto matapos kong maligo at magbihis ng uniform. Pagbaba ko ay agad na bumungad sakin ang seryosong mukha ng aking kapatid na lalaki.
"Finally," bored niyang sabi at agad na binaba ang cellphone na hawak niya.
Sa aming dalawa, kung ako madaldal at maingay ay siya din ang kina-seryoso at tahimik ng kapatid ko. Ewan ko ba diyan, pinag-lihi siguro sa silent mode.
"Magandang umaga anak," bungad ni Nanay Bridget. Hindi siya ang mama namin pero ganyan na ang turing namin sakanya ni Aster.
Gabi na palagi umuuwi si Mama, si Papa naman nandoon sa ibang bansa dahil nandoon ang negosyo ng pamilya namin kaya si Nanay Bridget na ang tumayong magulang namin pansamantala.
"Anong ulam nanay?" nakangiting tanong ko at tinungo ang mesa.
Nilapag naman ni Nanay Bridget ang mga ulam, "Heto, fried chicken, fried egg at fried rice," sagot niya.
Napatitig kaming dalawa ni Aster dito, "Nay, bakit puro fried?" tanong ni Aster.
Napangiti naman si Nanay, "Siyempre, Friday," sagot niya na ikinatawa ko ng malakas.
HAVEY!
"Ate, ang sakit sa tenga ng boses mo," wika ni Aster habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga.
Inirapan ko nalang siya, kahit kailan talaga.
Napatingala naman ako kay Nanay, "Nay, wala pong fried juice?" tanong ko.
Napatingin kami kay Aster ng maibuga niya ang tubig na iniinom niya. "Eww Aster, wala kang table etiquette," ani ko na parang nandidiri pa.
Binigyan naman siya ni Nanay ng pamunas, "Ikaw kasi," wika niya.
Matapos 'non ay kumain na kami kasama si Nanay. Bago ako lumabas ng bahay ay namataan ko ang isang lighter na nakapatong sa mesa.
Hmm, mukhang magagamit ko 'to ah.
Agad ko namang kinuha ang lighter at pinasok sa bulsa ko.
Agad kaming sumakay sa kotse papuntang school. Mas naunang bumaba sakin si Aster dahil malapit lang ang school nila sa bahay namin.
Pagdating ko ng MIU ay agad akong naglakad papuntang classroom. Papasok na sana ako ng room ng mamataan ko si Gabriel na nasa labas ng room nila habang kausap si Blake. Napatingin siya sakin at agad na ngumisi.