049: Zombie Raid

389 15 0
                                        

ASTRID DOMINGO ―ꕤREAL WORLDWednesday, 9:23 am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


ASTRID DOMINGO ―
REAL WORLD
Wednesday, 9:23 am


"HOY! ASTER BILISAN MO NA DIYAN!" sigaw ko sa kapatid ko. Kahit kailan talaga ang kupad-kupad nitong kapatid ko.


"Nandiyan na, tsk," ani niya.


Excited ako ngayon kasi ngayon na ang meet-up namin. Isang linggo na rin ang nakalipas after nong birthday ni Luan at natapos na rin ang final exam namin.


"Tara na!" ani ko at hinatak siya pababa ng sala.


Napatingin naman samin sina Nanay Bridget at Mama na nagluluto ng almusal.


"Oh, saan kayong dalawa pupunta?" tanong ni Mama.


"Ah, ano po kasi may bibilhin lang po si Aster sa mall sasamahan ko lang po," pagsisinungaling ko.


Si mama kasi kailangan talaga alam niya kung saan kami pupunta. Which makes me annoyed sometimes, hindi naman na ako bata para bantayan niya. Si Aster siguro, oo.


"Ganun ba? Kumain na muna kayo," wika ni Mama.


Umupo naman kaming dalawa at nagsimulang kumain. Mabilis naming inubos ang hinanda nina Mama at agad na nag-toothbrush at umalis ng bahay. Sumakay na kaming dalawa sa taxi at dumiretso sa mall.


Binuksan ko ang cellphone ko para i-chat sina Nayee.


Kung lelegaya kaaa😭😭
Te, nasaan kayo?


Sa peleng ng ebaaa😿😿
Nandito kami sa entrance ng jollibee.


Kung lelegaya kaaa😭😭
Sige, papunta na kami diyan.


Seen.


Mabilis kaming naglakad ni Aster papunta sa Jollibee. Nabunutan ako ng tinik ng makita na silang apat palang ang nandito.


"Salamat naman at nandito ka na," bungad ni Bliss.


"Eto kasing si Aster, ang bagal kumilos!" ani ko.


"Wow ako pa talaga?" sagot niya at inirapan ako.


Napa-upo kaming anim sa mga upuan na nandito sa labas. Ilang minuto pa ay unti-unti ng dumating sina Gabriel.


"Aster right? Naglalaro ka rin?" tanong ni Gabriel sa kapatid ko.


Napatango naman siya, "Yeah, Bandwagon nga pala," sagot niya.


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now