ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
NAYEE KIM JUNG ―୨୧ REAL WORLD Sunday, 10:00 am
"Ate Nayee, can you help me with this?" wika ni Lucia. Lumapit naman ako sakanya na kasalukuyang naglalaro ng puzzel.
"Ahh, ayan oh," wika ko ng makita ang piece na hinahanap niya.
"Thank you ate!" masaya niyang sabi.
It's my second day as a babysitter. Okay naman ang first day ko kahapon, himalang tumagal pa ako. Mabait kasi itong si Lucia hindi katulad ng kuya niya na demonyo. Nagkaroon na din ako ng kaibigan sa isa sa mga maids dito, si Stella. Siguro nga 3 years lang ang agwat niya sakin kaya nakaka-vibes ko pa siya.
"Mga ija, kumain na kayo ng tanghalian!" pagtawag ni Manang Fe. Yung leader ng mga katulong dito.
Giniya ko naman si Lucia at agad kaming dumiretso sa hapag-kainan. As usual, hindi naman sumabay samin si Lukas. Ewan ko ba doon, parang bampira ayaw lumabas sa kwarto.
Matapos naming kumain ay naglaro nanaman ulit si Lucia. Palagi nga akong busog dito dahil bawat oras may hinahandang snacks sina Stella sa amin. Tapos itong si Lucia sa akin niya pinapakain ang mga pagkain niya, heaven!
Namataan ko naman si Stella na lumapit sakin, "Te, kahapon ko pa gustong itanong 'to eh," panimula niya.
Kumunot naman ang noo ko, "Ano yun?"
"Yung ano kasi, ano... kayo ba ni Sir Lukas?"
Natawa naman ako, "Pft, hindi 'no! at hindi ko yun papatulan,"
Hindi talaga.
Kinurot niya naman ang tagiliran ko, "Asus ah! alam mo ba ikaw palang ang babaeng dinala dito ni Sir?" kinikilig niyang sabi.
"Ewan ko sayo," sagot ko at napa-irap. "Nandito lang ako para mag-trabaho 'no," dagdag ko pa.
Napangiti naman siya, "Trabaho ka diyan, pag naging kayo ni Sir, magpapa-kalbo ako!" wika niya.
Humagalpak naman ako ng tawa, "Siraulo!" ani ko na ikinatawa niya din.
"Pero bagay kayo seryoso," tukso niya pa.
Buti nalang ay tinawag siya ng kasama niyang maid kaya hindi na nagpatuloy ang pang-aasar niya sakin kay Lukas.