RAINE LEE PEREZ ―𖤐
REAL WORLD
Tuesday, 7:00 pmHindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. I should be happy dahil magkikita na muli kami ni Yohann. Pero bakit ganito? mas nananaig pa ang kaba. Napatingin ako sa wall clock, 7:00 pm na at ano mang oras ay dadating na sina Yohann.
"Raine, ayusin mo na yang sarili mo. Malapit na sina Yohann!" napa-praning na sigaw ni mama mula sa kwarto niya.
Napa-iling na lamang ako. Pumunta na lang ako sa kwarto at sinuklay ang buhok ko. I can survive the whole day without combing my hair. Pero dahil may bisita, edi sige. Naglagay na lang din ako ng kaunting liptint at tiningnan ang mukha ko sa salamin.
Ayos na 'to.
"ROSE, NANDITO NA KAYO!" rinig kong sigaw ni mama. Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Tangina, makikita ko na siya!
"RAINE, BUMABA KA NA DIYAN!" sigaw nanaman nito.
Humigop muna ako ng maraming hangin bago lumabas ng kwarto. Nang makarating ako sa sala halos lahat sila ay nakatingin sakin. Napansin ko naman ang lalaking naka-upo sa sofa habang nakatingin din sakin.
Shit, siya na ba yan?
"Ang laki mo na Raine!" masayang wika ni Tita Rose at niyakap ako.
Yumakap din ako pabalik at humalik sa pisnge niya. "Salamat po," wika ko.
"Hi, Raine," bati ni Tito Lorenz.
"Hi po," bati ko din.
Napatingin naman ako kay Yohann na tumayo habang nakatingin parin sakin. "After so many years Raine, we meet again," wika niya.
Parang na-pipi ako bigla. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang noon lang pinapangarap ko na sana magkita pa kaming dalawa and now, kaharap ko na siya pero wala akong masabi.
"Yeah," tipid na sagot ko.
Buti nalang ay tinawag na kami nina mama na kakain na kaya naka-hinga na ako ng maluwag dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Yohann.
Kumuha lang ako ng pagkain at sa sofa kumain. Medyo awkward kasi kapag doon ako sa mesa. Paniguradong marami nanaman silang itatanong sakin. Sumubo ako ng salad habang nakatingin kina mama na masayang nagkuk-kwentuhan at nagtatawanan.
Napansin ko naman na tumayo si Yohann at umupo sa tabi ko. "Kamusta ka na Raine? I heard you had an amnesia dahil sa na-aksidente ka?" panimula niya.
"Yup, but I'm fine now. Bumalik na rin ang mga ala-ala ko," sagot ko.
Napatango-tango naman siya, "That's good. By the way, nasayo parin ba ang bracelet?" tanong niya.
Agad naman akong napatango at itinaas ang kamay ko kung saan nakasuot ang bracelet.
Napangiti naman siya, "Good, paniguradong masaya yun," wika niya.
Kumunot naman ang noo ko, "Anong sinabi mo?"
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya habang nakaharap sakin. "I don't think all your memories came back yet,"
Mas lalong kumunot ang noo ko, "What are you trying to say?"
"Hindi mo ba naalala ang batang lalaki na kaibigan natin nong mga bata pa tayo?" tanong niya.
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...