041: Ignoring him

215 13 4
                                    

NAYEE KIM JUNG ―୨୧
REAL WORLD
The next week
Tuesday, 8:45 am


Halos isang linggo na din ang nakalipas matapos kong malaman ang totoo na si Lukas nga talaga si Justnobody. Sobrang hirap niyang balewalain, sadyang pinaglalaruan talaga kami ng tadhana. Nagkikita kami palagi sa school at sa pag-uwi naman magkikita nanaman kami sa game.


"Nayee, ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Raine.


Bumuntong-hininga ako. Naapektuhan na pati mga kaibigan ko dahil sa pagiging bad mood ko palagi.


"Wala naman," sagot ko.


"Nayee, kaibigan moko—kami, kaya pwede mo namang sabihin samin kung ano ang problema mo e," ani pa niya.


Sa totoo lang, nakokonsensiya din ako. Tama si Raine. Kaibigan ko sila kaya pwede kong sabihin sakanila ang mga problema ko at kung ano pang bumabagabag sa isip ko.


"Sorry, yung totoo kasi nagtatampo kasi ako kay Lukas kasi hindi niya sakin sinabi ang totoo nga siya ng a si Justnobody," sumbong ko.


"So, siya nga?" sulpot ni Bliss.


Napatingin naman ako sakanya at mabagal na napatango.


"Halata naman e, bakit kailangan pa niyang magsinungaling?" ani naman ni Raine.


"Hindi ko alam,"


"Tanungin mo siya, para naman matahimik ka na," suhestiyon ni Bliss.


Hindi pa ngayon, hindi ko pa kaya. Mababaw lang naman ang problema ko sakanya pero ewan ko naapektuhan talaga ako.


Napailing naman ako, "Hindi ko pa siya kayang harapin,"


Paniguradong alam na ni Lukas na alam ko na ang totoo, hindi naman ako lalayo sakanya ng ganito kung wala naman siyang nagawang masama sakin. Paniguradong tinanong niya din ang mga kaibigan niya kung sino ang nagsabi sakin na siya si Justnobody at alam kung hindi din kayang magtago ni Hux kay Lukas ng totoo na siya ang nagsabi sakin.


"Hindi ako makapaniwala practice na pala ngayon," pag-iiba ni Raine.


"Ano naman ang pino-problema mo don e may partner ka naman," ani ni Bliss.


"May sinabi ba akong nagmomroblema ako?" tanong niya pabalik dito.


Hindi na lamang umimik si Bliss at nag-iwas nalang ng tingin.


"Ikaw Bliss, may partner ka na ba?" tanong ko.


"Hindi ko alam," sagot niya.


"Anong hindi mo alam?" tanong ni Raine.


"Maraming nag-aaya sakin pero tinatamad ako at wala pakong napipili," sagot niya pa.


Naks naman, maraming nag-aaya. Pano nalang kaya ako? Kung wala lang sana kaming problema ni Lukas baka siya pa yung naka-partner ko. Baka lang naman.


"Eh, pano 'yan ngayon?" tanong ko pa.


"Ewan, bahala na," sagot niya.


"Okay seniors, gather up we will start the practice!" napatingin kaming lahat sa teacher na isa sa mga magiging incharge ng practice namin ngayon sa prom.


"Tara na!" excited na sabi ni Astrid at hinila kami sa gitna.


"Nayee, nandiyan na sila," bulong ni Raine.


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now