027: Basketball League

257 14 5
                                    

NAYEE KIM JUNG ―୨୧
ONLINE WORLD
Thursday, 9:00 pm


Halos mag-iisang linggo din akong hindi nakapag-online dito sa Gang Raid. Na miss ko din ang paglalaro dito. Nandito kami sa garden kung saan kami tumatambay na lima, wala naman masyadong mission ngayon.


"Nakaka-miss din dito 'no?" nakangiting tanong ni Lunaris.


"Oo nga," pagsang-ayon ni FantasticBliss. "Sayang nga hindi ako naka-online nong Troll Elimination, nalapagpasan pako ni Lunaris ng rank," wika pa niya.


"May pa busy-busy ka pa kasing nalalaman eh, natutulog ka lang naman," sagot ni Lunaris.


"Ayos lang, deserve mo naman yun e," ani pa ni FantasticBliss. "Babawi ako sa susunod,"


Natigil kami sa pagkukwentuhan ng biglang tumunog ang mga speaker dito sa city at may nag-flash na mukha sa mga malalaking screen.


Good evening gangsters, please proceed to the city hall for an important announcement!


Agad na namatay ang malaking screen matapos nitong magsalita.


Ano kaya ang announcement na yun?


Agad naman kaming tumayong lima at nag-teleport sa city hall ng Eclipsa. Marami ng players ang nandito upang malaman din ang announcement.


Lumabas sa stage ang lalaking naka tuxedo aakalain mong pupunta ito sa isang meeting at mukhang maangas itong tignan dahil sa nakabusangot nitong mukha.


GrandMaster
Level 100


Ngayon ko lang nalaman na may GM pala dito. Inayos niya ang necktie niya at nagsimulang magsalita sa mic.


"Good evening players, I'm the GrandMaster in this city and alam ko na nagtataka kayo kung bakit kayo pinatawag dito," panimula niya.


"Gang Raid Online will be having it's first Clash of the Cities. Ito ay isang game kung saan magkakaharap ang mga representatives ng bawat city upang magtunggali. Each city will pick 10 representatives, and now I have the list of the names that will represent Eclipsa." wika pa niya at may lumabas na parang hologram sa harapan niya.


"Our very own, Nazumi, Raven, FantasticBliss, Lunaris and HeyAstray. Joining them, Luxurious, Crazykid, Bandwagon, Theheiress and Mystical," ani niya.


Nagkatinginan naman kaming lima at sabay na napangisi.


"You can have your meetings this week and be sure to prepare for this event, that's all." ani niya at umalis na sa stage.


Nagsimula ng magbulungan ang mga players at ang iba ay nagsi-alisan na din sa hall.


May lumapit namang limang players samin and I bet ito na sila ang makakasama namin sa event.


Luxurious
Level 65


Crazykid
Level 60


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now