BLISS MONTENEGRO ―𖦹
ONLINE WORLD
Thursday, 9:00 pmMabilis akong nagtago sa nagkukumpulang sirang metal. Kanina pa ako hinahabol nong lalaking taga-Victon. Ang totoo, may gusto ba siya sakin? Hindi niya talaga ako tinitigilan.
Inihanda ko ang dalawang bomba na dala ko ng makarinig ng yapak ng mga paa. Palapit ng palapit ito sa direksyon ko kaya hinanda ko na ang sarili ko.
"Huli ka!" sigaw niya at tinutok sakin ang baril niya.
Mabilis naman akong nakailag ng paputukin niya ito. Mabilis akong tumakbo papalayo sakanya. Humarap ako sakanya habang tumatakbo at hinagisan ng bomba.
Napayuko ako dahil sa nagliparang metal dahilan ng pagsabog. Patuloy lang ako sa pagtakbo at paghagis ng bomba hanggang sa hindi ko na alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko.
Hinugot ko ang huling bomba sa inventory ko. Konting bombs lang ang nabili ko hindi ko naman alam na may hahabol sakin ng ganito. Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang bombang hawak ko bago humarap muli sakanya na saktong nakatutok ang baril sakin. Inipon ko lahat ng lakas ko at hinagis iyon sakanya.
Mabilis akong nagtago sa likod ng isang pillar at tinakpan ang tenga ko. Parang nagkaroon ng panandaliang lindol dahil sa malakas na pagsabog. Nang humupa ang pagsabog, unti-unti akong sumilip kung natamaan nga ba siya.
Nanliit ang mga mata ko dahil sa dumi na pumasok dito. Hindi ko makita ang paligid dahil sa usok dagdag pa na gabi. Napatingin ako sa katawan na nakahandusay sa lupa. May dugo ito sa kanyang labi at napansin ko ang healthbar niya na paubos na.
Unti-unti itong tumingala sakin kahit nag-aagaw buhay na ito. Yumuko naman ako at in-equip ang isang pistol.
Tinutok ko ito sakanya, "Walang hiya ka, pinahirapan mo pa ako," sabi ko habang mabilis ang paghinga.
Walang alinlangan ko itong pinutok hanggang sa tuluyan ng maubos ang life niya.
FantasticBliss successfully eliminated Underworld!
Agad na akong lumakad paalis. Namataan ko naman ang isang lalaki habang bitbit ang isang walangmalay na babae. Lumapit ako sakanila, nanlaki ang mga mata ko ng malaman na si MisterRookie ito at si Raven.
"MisterRookie! anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko.
"Nadaganan siya ng malalaking tipak ng semento at metal dahil sa sunod-sunod na pagsabog," sagot nito.
Nagtago muna kaming tatlo sa isang madilim na parte ng pier. Shit, dahil sakin nasaktan si Raine, peste kasing lalaki 'yon!
"Raine, raine," paggising ni MisterRookie sakanya.
Nangangalahati na ang life ni Raine. Kailangan niyang mag-ingat incase na magising na siya.
"Mauna ka na FantasticBliss, ako na bahala dito," wika ni MisterRookie.
"Sure ka?" tanong ko.
Tumango naman siya. Dahil doon ay umalis na ako para hanapin ang iba ko pang mga kasama.
LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
Thursday, 9:45 pm
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...