021: Fighting the Boss

356 13 1
                                    

LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎ONLINE WORLDThursday, 8:45 pm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
ONLINE WORLD
Thursday, 8:45 pm


"It's called Troll elimination,"


Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sparrow. Troll elimination? Hindi ko pa naririnig ang mission na 'yan.


"Ano 'yan?" tanong ni Raven.


"In this mission, ie-eliminate niyo ang lahat ng troll sa isang lugar at ang last troll which they call the "boss" ay ang huling papatayin niyo. Kung sino ang makaka-una sa pag patay 'non sa inyo ay sakanya mapupunta lahat ng items at magiging mabilis ang pag level-up niya," paliwanag ni Lostsoul.


"Woah, sounds fun," wika ko.


"Yeah, pero mahirap siya lalong-lalo na yung boss," wika ni Sparrow.


"Wait, invite ko muna kayo," dagdag pa niya at may pinindot sa ere.


Sparrow invited you to his group
Will you accept?


Yes


No


Agad naman naming tatlo pinindot ang yes.


"Let's go?" pag-aya ni Coolme.


Agad naman kaming nag-teleport sa Forbidden Forest kung saan doon din nangyari ang Ultimate Gang Raid.


Napatingin kami sa entrance ng Forbidden Forest, nasa labas ka palang pero ramdam mo na ang takot at kaba. Napatingin kami sa mga uwak na nagsiliparan mula sa mga patay na puno. Pumasok na kaming anim at hinanda ang mga armas namin.


Nilibot ko ang paningin ko, baka may bigla nalang bumulaga samin na troll mabuti na yung handa. Yumanig ang buong paligid yung tipong may malaking tao o hayop na tumatakbo.


"Get ready," wika ni Lostsoul.


Mahigpit kong hinawakan ang baril ko. Naramdaman ko ang paghampas ng troll sa likod ko kaya mabilis akong yumuko para iwasan ito.


Forest Troll
Level 80

Forest TrollLevel 80

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now