ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
NAYEE KIM JUNG ―୨୧ REAL WORLD Wednesday, 8:34 am
BUKAS na pala ang pasko. Naisipan ko na ngayon nalang bumili ng bag, gift ko na rin sa sarili ko. May nakita kasi akong magandang bag nong pumunta kami ni Astrid sa mall. Paniguradong marami na ang mga tao ngayon kaya bibilhin ko nalang baka maunahan pa ako.
Mabilis akong naligo at bumaba sa kusina para kumain. Namataan ko naman si Kuya na naka-upo nanaman sa harap ng TV.
"Oh, saan ka nanaman pupunta Nayee Kim?" tanong nito sakin.
Umupo muna ako sa harap ng mesa bago siya sinagot. "Bibili ako ng bag, Nathan Kit," sagot ko.
"May pera ka?" nanunuksong tanong nito.
"Oo, ikaw lang naman ang wala," sagot ko at nag-make face.
"Saan mo kinuha pera mo? Hindi ka naman marunong mag-ipon kasi lamon ka ng lamon," wika niya pa.
"I have my ways Kuya, kaya manahimik ka nalang," sagot ko. Hindi pa kasi nila alam na nagsa-side line ako bilang babysitter kina Lukas, pero plano ko namang sabihin sakanila.
"Baka nagbebenta ka ng drugs ah!" sigaw nito.
Natawa naman ako, "Baka ikaw, eh ikaw tong mukhang adik!" sigaw ko din.
"Tama na 'yan! ikaw Nathan tigil-tigilan mo na yang kapatid mo," ani ni mama habang tinututukan kami ng sandok.
Inirapan ko nalang si Kuya habang siya naman ay bumalik na sa panonood ng TV. Inihanda naman ni mama ang almusal kaya agad na akong kumain para maaga akong makakapunta sa mall. Matapos kong kumain ay inihatid na ako ni Kuya. Kahit may saltik to minsan ay alam kong mahal niya ako.
"Mag-ingat ka ha!" sigaw niya bago pa ako makapasok ng mall.
Tumango nalang ako at agad na hinanap ang bag na nagustuhan ko dito.
"Saan na kaya yun?" pagmo-monologue ko. Napakamot nalang ako sa noo habang nililibot ang store ng mga bag.
"What are you looking for?"
Napatingin naman ako sa nagsalita. Nagulat ako ng makita sa harap ko ang mukha ng Kuya ni Lukas. If I'm not mistaken, his name is Lockshren.
"Ahh, yung bag na nakita ko dito noon," sagot ko.
Napatango-tango naman siya.
"Ahh ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Itinaas niya naman ang kamay niya na may hawak na supot. "I bought shoes there," sagot niya at napatingin sa store ng mga sapatos na kaharap lang ng store kung saan kami nandito ngayon.