BLISS MONTENEGRO ―𖦹
REAL WORLD
Monday, 7:00 am"Luh, himala nauna tayo kay Raine," bungad ni Astrid.
"Napaka-unusual naman," komento pa ni Nayee.
Anong oras na kasi at wala parin si Raine. Ano kaya ang nangyari doon na na-late yun? May quiz pa naman ngayon. Never pang umab-sent si Raine lalong-lalo na pag may quiz.
Umayos na kami ng upo dahil dumating na ang teacher namin sa history. Sa huling pagkakataon ay nireview ko ang notebook ko dahil may test din kami ngayon sa subject na to.
"Okay class, are you ready for the test?" tanong ng Prof. namin.
"Yes sir!"
Binigyan na kami ni Sir ng tig-iisang testpaper at ng lahat kami ay nakatanggap na ay agad na kaming nagsimula.
"Psst,"
Napatingin ako sa gawi ni Astrid ng sumipol ito. Binigyan ko naman siya ng 'anong sinisipol-sipol mo diyan' look. Pinakita niya naman sakin ang testpaper niya at may tinuturo-turo. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil hindi ko gets ang pinanggagawa niya.
Napasapo naman siya sa noo niya at sumenyas na kailangan niya ng answer sa no. 5. Tiningnan ko naman ang testpaper ko at ng mahanap ko na ito ay tiningnan ko naman ang paligid dahil baka may makakita samin. Nag-peace sign naman ako sakanya it means letter B ang sagot. Nang ma-gets na niya ito ay agad siyang nag-thumbs up sakin. Shunga talaga.
Natapos ang test namin sa history na satisfied naman ako sa kakalabasan nito, ewan ko nalang kay Astrid. Nagkaroon lang kami ng konting pahinga at sunod na dumating ang Prof. namin sa science which is may test rin kami sakanya.
Buti nalang ay hindi na masyadong nagtanong sakin si Astrid sa mga answers. Pinasa ko na ito as soon as I finished answering. Napasandal ako sa upuan dahil sa pagod, 50 items pa naman yung test namin pero di pa yan final ha.
"Okay class before I go, I just want to announce that y'all be having a project. You will make a poster on how to protect our environment. By group ito so don't worry," wika nito.
May binuklat naman siyang papel at nagsalita ulit. "Okay here are the list of the groups, members of group 1 will be, Raine Lee Perez, Josh Clinton, Samantha Santos and Camille Vera."
"Group 2 will be, Nayee Kim Jung, Bliss Montenegro, Klyde Valdez and Faith Asuncion," ani niya. Nagkatinginan naman kami ni Nayee at kumindat sa isa't-isa.
"Next is, Red Dela Torre, Bhea Gregorio, Luan Villamorte and Hans Sudalga," pagpapatuloy niya.
Marami pang groups na sinabi si Ma'am si Astrid ay nasa group 5.
"Pakisabi nalang kay Raine na Group 1 siya okay?" wika ni Ma'am at tumango naman kaming lahat. "You may take your lunch na," nakangiti niyang sabi at nauna ng lumabas ng classroom.
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago lumabas ng room. Hinintay ko naman silang tatlo at sabay na kaming tumungo sa cafeteria.
Naka-upo kami ngayon sa usual spot namin dito at naghihintay ng order namin na pinadala lang namin kay Nayee. Delikado nga eh, baka may mga bawas na 'yon bago makarating dito. You know Nayee naman.
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...