ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
NAYEE KIM JUNG ―୨୧ ONLINE WORLD Thursday, 11:09 pm
Dark oath successfully eliminated Crazykid!
Noir successfully eliminated Coolme!
NAPA-UBO ako dahil sa ilang usok na nalanghap ko. Napatingin ako sa buong paligid, nakita ko sina Raven, Lostsoul at Bandwagon na tumilapon sa kabila. Hindi ko naman alam kung nasaan na ang iba.
"Are you okay?" tanong ni Justnobody.
Napatango naman ako, "Ikaw, okay ka lang?" tanong ko.
Tumango naman siya. Inalalayan niya akong tumayo.
Napatingin kami sa tumawa. Parang bigla nalang kumulo ang dugo ko ng makita ko ang mukha niya. Akmang susugurin ko siya ng hawakan ni Justnobody ang bewang ko at hinigit papalapit sakanya.
Masama ko naman siyang tiningnan pero mabagal lang siyang umiling.
"We meet again," wika niya.
"Ikaw nanaman!" sigaw ni FantasticBliss habang papalapit samin kasama niya ang natitira naming kasama.
"Oo, ako nanaman. I forgot to tell you na babalik ako," sagot niya.
"Rami mo pang satsat na hinayupak ka!" sigaw ni Sparrow at walang tigil na pinaputukan sina Darkoath.
Naging hudyat na yun para saming lahat na magtago. Nagkahiwalay na kami ni Justnobody at tumungo ako sa likod ng poste. Kinasa ko ang baril ko at pinaputukan ang mga ito.
Walang tigil na putok ng baril at pagsabog ng bomba ang maririnig sa buong paligid.