048: Birthday

145 11 0
                                    

LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
ONLINE WORLD
Thursday, 8:23 pm

"HI! MGA ATEEEE!"

Napangiti ako sa masayang bungad samin nina TheHeiress tsaka Mystical. Puno ng masasayang tugtugin ang buong City at narito din ang ibang gang mula sa Penumbra. Hindi lang naman kaming taga-Eclipsa ang nagtagumpay e, kundi ang Penumbra din.

"Mabuti naman at nandito na kayo!" bungad ni Coolme.

"Buti nakarating ka pa," tugon ni FantasticBliss.

Agad naman siyang binatukan ni Coolme at ayun nagbatukan na silang dalawa. Napa-iling nalang kaming lahat at nagpatuloy sa pagsasaya. Naka-upo lang ako sa bench ng lumapit sakin si Sparrow na may dalang dalawang plato.

"Kumain ka na," nakangiting wika niya.

Napangiti din naman ako, "Salamat ha," sagot ko.

"Huwag kang magpalipas ng gutom," paalala niya.

Nag-salute naman ako, "Yes boss," ani ko at sabay naman kaming natawa.

"Guys, what if mag meet-up tayong lahat?" tanong ni crazykid.

Nagkatinginan naman kaming lahat.

"Well, nagkita naman kami ng Midnight Abyss e," sagot ni Lostsoul.

"Eh, kayo naman yun kuya eh, tsaka hindi pa namin kayo nakita," dagdag ni TheHeiress.

"Pwede naman siguro 'yon diba?" tanong ni Nazumi.

"Game ako diyan!" sigaw ni HeyAstray.

Napatingin naman ako kay Sparrow, "Ikaw sasama ka ba?" tanong ko.

"Oo naman," sagot niya.

Napangiti naman ako, "G din kami ni Sparrow," ani ko.

"Ayon!"

Dahil halos lahat naman ay papayag ay napagdesisyonan na din namin na mag meet-up after ng final exams namin. Curious din naman ako sa mga mukha nina Crazykid, Theheiress, Mystical at Luxurious. Si Bandwagon ay kilala ko naman na siya dahil kapatid siya ni Astrid. Ilang oras pa kaming nanatili doon ng isa-isa na kaming nag-offline dahil may pasok pa kami bukas.

REAL WORLD
Friday, 6:47 am

Pagkagising ko ay agad kong inayos ang kama ko. Napa-upo naman ako at binuksan ang cellphone ko, aksidente ko namang natingnan ang kalendaryo at laking gulat ko na birthday ko pala ngayon! Gosh, pano ko nakalimutan tong isa sa pinaka-mahalagang araw sa buhay ko?

Agad akong naligo at bumaba ng sala nakita ko naman ang mga maids na busy sa pag-lilinis ng bahay.

"Good morning po!" bati ko sakanila.

"Hi ma'am, happy birthday po pala!" bati niya sakin.

Napangiti naman ako, "Salamat po,"

Napagpalinga-linga naman ako sa paligid, "Asan po si Papa?" tanong ko.

"Ay ma'am, maaga pa po siyang pumunta sa trabaho," sagot nito.

Pabagsak akong umupo sa harap ng mesa. Ano ba yan, hindi manlang ako binati ni Papa. Naalala niya kaya yung birthday ko?

Tahimik akong kumain ng almusal at nagbihis para tumungo sa school. Bumaba na ako ng van ng makarating kami sa MIU. Parang zombie akong naglalakad dito sa hallway dahil hindi ko alam kung nakalimutan nga ba ni Papa.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now