ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
NAYEE KIM JUNG ―୨୧ REAL WORLD After Holidays Monday, 6:35 am
MAAGA akong umalis ng bahay para pumunta sa school. Grabe, parang nong nakaraan christmas break lang namin tapos ngayon pasukan nanaman. Hindi ko pa nga masyado na-enjoy ang vacation namin dahil isang linggo lang naman.
"WAHHHHH! I MISS YOU GUYSS!"
Napangiti ako ng marinig ang sigaw ni Astrid. Kahit kailangan talaga tong babaeng 'to hindi napapaos kakasigaw.
"Na miss kita Raine," wika niya at niyakap ng mahigpit si Raine na nakangiti.
Mukhang good mood ah.
"Ikaw!" sigaw niya sabay turo kay Bliss na kaka-upo palang. "Na miss din kita kahit palagi mo akong inaasar!" parang batang ani niya at nilapitan si Bliss para yakapin sana pero agad siyang pinakitaan nito ng kamao niya kaya agad siyang napa-atras.
"Eto naman kahit kailan basagulera, hehe," wika niya at napakamot sa batok niya.
"Naku! Astrid, alam mo naman 'yan parang tomboy," komento ni Luan na as usual naka-pokus sa cellphone niya
"Oo nga naman," dagdag ko pa.
"Na miss din kita Nayee!" ani niya at niyakap din ako.
"Na miss din kita! nakaka-miss din pala 'yang bunganga mo," ani ko at kiniliti ang tagiliran niya.
Napatingin kaming lahat sa pinto ng pumasok si Dean. Agad kaming nagsibalikan sa mga upuan namin at hinintay ang maaaring sabihin nito.
"Good morning Section 2, I just want to announce that all senior high students must go to the gym later at 3pm. We will have a meeting regarding on your Prom, please don't be late," nakangiting wika nito.
Naghiyawan naman ang ibang mga kaklase namin samantala kaming lima ay nagkatinginan lang habang nakangiti.
"See you later, okay?" ani nito.
"Yes, Dean!" sabay naming sagot lahat. Agad naman itong lumabas ng room, muling umingay ang classroom namin na mas lalo pa ngang umingay dahil sa announcement na yun.
"Omg, I'm so excited!" masayang wika ni Astrid.
"Sino kaya magiging partner ko?" tanong ni Luan habang nakanguso.
"Makakahanp ka rin Luan, maganda ka naman e," wika ni Raine.
Kumunot naman ang noo ko. Kanina ko pa napapansin ang pagiging good mood ni Raine.