ONLINE GAME ROMANCE
Completed
MAG x DDG
"Is it Game on,"
"... or Game over?"
Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard.
Will they unlock new fighting techniques and gaming s...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
RAINE LEE PEREZ ―𖤐 REAL WORLD Wednesday, 7:00 am
INAYOS ko muna ang sarili ko bago lumabas ng bahay at magbantay ng taxi papuntang school. Yes, papasok na ako. Medyo okay na rin since kahapon. Habang naghahantay na makarating sa MIU ay muli kong tiningnan ang pi-nost kong picture kagabi.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
see all 145 comments...
Ito yung picture na kuha sakin kahapon ni Blake sa Amusement Park. Nakangiti akong lumabas ng taxi ng dumating na ito sa school. Ewan ko, parang ang ganda ng mood ko simula kahapon.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong dumiretso sa court dahil alam kong nandoon si Blake. Malapit nalang matapos ang pagiging slave ko sakanya kaya paninindigan ko na to. Napangiti ako ng makita ko siyang naglalaro sa court dahil papalapit na ang basketball league. Umupo ako sa bleachers at pinanood lang siya habang naglalaro.
Pumito ang coach nila senyas na magkakaroon muna sila ng break. Inayos ko ang pagkaka-upo ko ng matanaw niya ako at naglakad papalapit sakin.
"Hey, anong ginagawa mo dito?" tanong niya at umupo sa katabi kong upuan.
"Tinatanong pa ba 'yan? I'm your slave remember?" ani ko.
Natawa naman siya, "About that," pabitin niya at itinaas ang kamay niya kung saan nandoon ang bracelet ko.
Kinuha niya ito at nilagay sa kamay ko. "I'm giving this back to you," ani niya at napatingin sakin ulit.
"Your contract is done, everything that I did to you is enough, You're free now my slave." ani pa niya.
Napangiti naman ako, "Salamat,"
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin ng bigla nalang akong napayakap sakanya. Malungkot din palang iwanan tong trabaho ko haha.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya, "Sige, balik ka na don pupunta na din ako sa classroom," ani ko at tumayo na.