018: His Slave

149 13 1
                                    

RAINE LEE PEREZ ―𖤐
REAL WORLD
Wednesday, 6:59 am

"Wahhhh, sabi sa inyo eh ang Midnight Abyss ang mananalo!"

"Asan na pera ko?"

"Ang ganda ng game kagabi!"

Pagpasok ko ng school gate ay iyan agad ang bumungad sakin. Pasimple akong napangiti dahil naalala ko nanaman ang nangyari kagabi.

"Luh siya, baliw na ata si Raine, ngumingiti ng mag-isa," bungad ni Astrid.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa classroom. Nilapag ko ang bag ko sa upuan at lumapit sakanila.

"Siyempre, ang galing namin kahapon," wika ko.

Sabay namang umirap sina Luan, Astrid at Bliss, porket hindi sila naging parte ng aksyon kagabi.

"Namatay kasi agad kami, bwesit." ani ni Luan at pinatong ang ulo niya sa table.

"Bwesit kasing Lostsoul at Justnobody na yun," dagdag pa ni Bliss. "Buti nalang namatay sila hahahaha," tawa niya kaya tumawa na din kaming apat.

Naudlot ang chismisan namin ng pumasok ang Prof. namin ngayong umaga. Nong paggising ko kanina binuksan ko yung facebook at twitter ko. Ayon sabog na sabog dahil sa Gang Raid na naganap kagabi.

Napatingin kami sa pintuan ng may isang estudyante ang dumungaw dito.

"Good morning po, nandito po ba si Raine Perez?" tanong niya.

Napatingin naman sakin lahat ng kaklase ko.

Luh, anong kailangan sakin nito?

"Yes she's here, why?" tanong ng Prof. namin.

"Pinapatawag po kasi siya ni Blake Gonzales," sagot niya.

Kinilig at napapatili pa ang mga classmate kong babae ng marinig nila ang pangalan ni Blake.

Bakit naman ako pinatawag ng ugok na yun?

Napatango naman si Prof, "Miss Perez?"

Tumayo naman ako, akmang lalabas na ako ng magsalita ulit ang lalaki.

"Uhm, dalhin niyo nalang po yung bag niyo," wika niya.

Hindi ko alam ang nangyayari pero sinunod ko naman ang sinabi niya. Isinukbit ko ang bag ko at lumabas na ng room.

Nakasunod lang ako sakanya habang dire-diretso itong naglalakad. Napadpad kami sa basketball court at ng matanaw ko si Blake ay automatikong kumulo ang dugo ko. Ewan ko ba pag nakikita ko yan nabi-bwesit talaga ako.

"Sige, hanggang dito lang po ako," ani nito at naglakad na paalis.

Lumapit naman si Blake sakin dahil mukhang timeout nila sa practice. Nameywang ako ng makalapit na siya sakin.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now