RAINE LEE PEREZ ―𖤐
REAL WORLD
Tuesday, 6;39 am"Huwag ka ngang umiyak Lee, mas lalo kang pumapanget e!"
"Ang sama mo talaga!"
"Totoo naman ah!"
"Di tayo bati!"
"Edi hindi, pake ko sayo!"
Agad kong minulat ang mga mata ko. Ano ba tong napapaniginipan ko? Isang batang lalaki na hindi ko mamukhaan dahil blur ang mukha nito at isang batang babae na alam kong ako 'yon.
Bumaba nalang ako ng kwarto at uminom ng malamig na tubig para kumalma. Sa pagkaka-alam ko, 98% of my memory already came back. Pero bakit ganon? Parang may hindi parin ako naalala parang may isang tao pa akong dapat matandaan.
"Good morning, anak." bati ni mama.
Napangiti naman ako at nilapitan siya, "Good morning din ma," ani ko at niyakap siya.
"Oh, anong nangyari sayo? Bakit napaka-sweet mo ngayon?" tanong niya habang hinihimas ang buhok ko.
"Wala naman ma," ani ko
"Oh siya, dahil mabait ka ngayon, bilhin mo muna to," ani niya at binigay sakin ang isang papel na naka-tiklop.
Binuksan ko naman ito at bumungad sakin ang napakaraming bilihin.
"Ma, ang rami naman nito?" wika ko. "Ano po ba ang okasyon?" tanong ko pa.
Napangiti naman ito, "Basta, bilhin mo nalang yan," sagot niya at pinagtulukan ako. "Oh, eto pala yung pambili," wika niya at dinukot sa wallet niya ang 2 thousand pesos.
Wala naman akong magawa kundi sumunod nalang. Kaaga-aga ito agad ang ipapagawa sakin ni mama, hindi manlang ako naka-ligo dahil sa pagmamadali niya. Sumakay nalang ako ng taxi at dumiretso sa mall. Nang makarating ako sa mall ay agad kong tinungo ang supermarket para bilhin ang mga naka-lista sa papel na binigay sakin ni mama.
"Fruit cocktail, cheese, condense?" pagbasa ko nito. Next week pa nga yung christmas ah? Baka gusto lang mauna ni mama sa pagbili dahil paniguradong out of stock na lahat ng ito next week.
Nilagay ko na ito sa cart na dala ko at pumunta naman sa meat section para kumuha ng karne. Matapos kong mabili lahat ng pinapa-bili ni mama ay agad akong dumiretso sa counter. Medyo mahaba ang pila kaya kailangan kong maghintay ng ilang minuto.
Napatingin naman ako sa likod ng may sumulpot na lalaki, laking gulat ko na si Blake pala ito.
"Hoy Blake," tawag ko.
May kinakalikot ito na kung ano sa cellphone niya dahilan para hindi niya ako mapansin agad.
"Raine? anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Malamang, grocery," sagot ko.
Napasilip naman siya sa cart ko. "Ang aga niyo namang namili," ani niya.
"Ewan ko dito kay mama, parang excited bumili," sagot ko. "Ikaw, ano binili mo?" tanong ko.
"Nah, mga kailangan lang sa bahay. May yaya naman kami pero ewan ko kay mama ba't ako pa pinabili niya," ani niya habang nakatingin sa basket na dala niya.
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...