04: Meeting them

453 21 0
                                    

LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
ONLINE WORLD
Tuesday, 8:29 pm


"OMG, OMG ,OMG!" bungad ko sakanilang apat. Nanggaling kasi ako sa announcement board para tignan ang announcement siyempre. Announcement board nga diba? kimi.


"Ba't gulat na gulat ka?" tanong ni Nazumi.


"Kasi bukas may gaganapin na Duel sa City ng Penumbra at invited lahat ng gang or gangsters na pumunta para manood at inimbitahan tayo ng Dark Demon Gang mismo upang mag-judge!" sigaw ko. Kitang-kita sa mukha nila ang pagka-gulat.


Ang duel kasi ay isa sa mga pagkakataon para makalaban ang iba't-ibang gang at pagkakataon na rin yun para mas mabilis na tumaas ang level niyo at ang rank ng gang niyo kapag nanalo kayo.


"Biglaan ata," wika ni Raven.


"Ano kaya ang pumasok sa kokote ng Dark Demon Gang at invited tayo?" tanong pa ni FantasticBliss.


Nagkibit-balikat nalang ako. After 'non ay nag log-out na ako.


REAL WORLD
Wednesday, 6:50 am


"Anak, natapos mo na ba ang pinapagawa ko sayo?" tanong ni Papa.


Napatango naman ako at binigay sakanya ang mga papeles na pina-xerox ko kaninang madaling araw. 24 hours na bukas naman ang xerox-an dito sa kompanya ni Papa.


"Good, sige you may go now," wika niya matapos suriin ang mga papeles. Agad naman akong lumabas ng office niya.


May-ari ng isa sa mga sikat na Computer Company si papa kaya dito ko natutunan ang paghack, coding, at kung ano-ano pa dahil tinutulungan ko siya minsan kapag may time ako at tinuturuan niya din ako. Kaya nga nong naglaro kaming lima ng Gang Raid ay pinili ko agad ang Techno Section nong umabot ako ng Level 25.


Lumabas ako ng kompanya at sumakay sa sundo ko. Pagdating ko ng school ay agad akong dumiretso sa classroom.


"Hi! teh," bati ni Nayee habang dala-dala ang bag niya palabas ng room.


"Hi!" ganti ko. "Saan ka pupunta?" tanong ko.


"May practice kami sa pageant e," sagot niya.


"So, makikita mo nanaman—"


She placed her palm in front of my face, "Please, huwag mo ng banggitin ang pangalan ng lalaking 'yon," wika niya habang mariing naka-pikit.


Natawa naman ako, "Goodluck," wika ko.


Nag thumbs up naman siya bago tuluyang umalis.


Medyo boring ngayong araw. Kanya-kanyang gawain kaming apat habang naghihintay sa Prof. namin. Wala naman si Nayee dahil may practice sila tapos si Raine nakatunga-nga sa notebook niya kahit wala namang quiz, si Astrid naman tamang selfie lang sa cellphone niya at si Bliss as usual, tulog.


Napag-isipan kong pumunta sa music room para mag-jamming muna. Pagpasok ko sa loob ay wala namang tao kaya malaya akong gawin ang gusto ko.


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now