040: Dare

94 8 2
                                    

LUAN VILLAMORTEꨄ︎
ONLINE WORLD
Monday, 7:23 pm

Agad akong nag-online ng mabasa ko sa official social meadia accounts ng Gang Raid ang magaganap nanamang Clash of the Cities. Agad akong sinalubong ng apat na naka-tingin sa malaking screen na nasa itaas ng nga buildings dito sa City ng Eclipsa kung saan naka lagay ang mga katagang...

'The Clash of the Cities will be back, stay tuned!'

"Nabalitaan mo na ba Lunaris na may magaganap nanamang Clash of the Cities?" bungad na tanong ni FantasticBliss.

"Yup, nabasa ko kanina sa mga official accounts ng game at sikat nanaman ang Gang Raid sa twitter na nakaka-ilang retweets na tungkol sa second COC," sagot ko.

"Excited nako, kailan kaya?" tanong pa ni HeyAstray.

"I-aannounce din naman daw," sagot ni Nazumi na parang wala sa modo.

"Alam mo Nazumi kanina ka pa seryoso, may nangyari ba?" tanong ni Raven.

"Simula nong pumunta ka sa cafeteria kaninang hapon nagkaganyan ka na," dagdag pa ni FantasticBliss.

"Tsk," tanging sagot nito.

Hindi nalang namin siya pinansin at pumunta sa usual spot namin. Nagkwentuhan lang kaming apat, si Nayee kasi mukhang sinuklaban ng langit at lupa ang mukha natatakot naman akong magtanong baka mainis sakin.

"Maiba natin ang topic, sino kaya ang magiging partner natin no- Oh scratch that! ninyo pala, kasi may partner na ako e," kinikilig na sabi ni HeyAstray. Napa-irap nalang ako, hindi talaga maka-get over ang loka kanina niya pa yan tinatanong e.

"Sirang plaka lang te? Malay ba namin kung sinong kumag ang mag-aaya samin," sagot ni FantasticBliss.

"Basta si Raven meron na yan," ani ko pa at kinindatan si Raine.

Namula naman ang pisnge niya at inirapan ako.

Napatingin naman ako kay Nazumi na ganon pa din ang mukha simula kanina.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

Hindi siya kumibo bagama't tinignan lang ako at umiwas naman ng tingin. Nagkibit-balikat nalang ako, sabi ko na nga ba huwag munang tanungin e.

Napatingin ako sa oras at napagpasyahan ng mag-log out dahil gabi na at may pasok pa kami bukas.

REAL WORLD
Tuesday, 8:56 am

"OMG, ANG OA TALAGA NI MAMA HINANAPAN NIYA NA AKO NG GOWN PARA SA PROM, HAHAHA!"

Grabe talaga ang kamandag ng boses ni Astrid. Kaaga-aga ang ingay-ingay niya talaga.

"Malala na 'yang bunga-nga mo sis, pa-check up mo na kaya," ani ko kaya ginantihan niya ako ng irap.

"Lower down your voice," naiiritang sabi ni Bliss at bumalik sa pagtulog.

"Sorry naman, nagulat lang talaga ako kahapon," wika pa niya.

"Mapapa sana all ka nalang talaga no?" natatawang sabi ko.

"Hay naku Luan, kung ako sayo umamin ka na diyan sa crush mo baka maunahan ka pa," pagpaparinig ni Astrid.

Napailing-iling na lamang ako, baka ireject pa ako huwag nalang. "Ayoko nga, baka madagdagan pa mga friends ko pag-umamin ako sakanya," sagot ko

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now