029: Park

244 17 2
                                    

BLISS MONTENEGRO ―𖦹
ONLINE WORLD
Saturday, 9:23 pm


Nandito kami ngayong sampu sa rooftop dahil sa paghahanda namin sa laro bukas ng gabi. Iche-check lang naman kung nagkaroon ng improvement ang mga ranks at levels.


"Good, hindi ko inaasahan na malagpasan niyo ang expectations namin," wika ni Nazumi.


Nagkaroon ng malaking pagbabago ang rank nilang lima. Halos lahat sakanila ay nadagdagan ng dalawa o tatlong level.


Samantalang kaming lima ay dumagdag din ang level. Si Nazumi na dating level 86 ngayon ay level 89 na, si Lunaris naman na dating level 79 ngayon ay level 82 na, si HeyAstray naman na dating level 76 ngayon ay level 78 na, si Raven naman na level 85 ngayon ay level 87 na at ako na dating level 78 ngayon ay level 81 na.


"We can do this guys, kailangan lang nating magtulungan," wika pa ni Raven.


"Sa pagkakaalam ko, walang map at medyo foggy sa lugar kung saan gaganapin ang event kaya kailangang maging alerto tayo dahil hindi natin nakikita ang kalaban natin," ani naman ni Lunaris habang nakatingin sa isang hologram kung saan nandoon ang pictures ng map.


"Meron ba kayong night vision na skill? Kung wala kakailanganin natin 'yon bukas," tanong ni Nazumi.


Tiningnan ko naman saglit ang mga skills ko at nakahinga naman ako ng maluwag dahil meron naman ako. Hindi ko lang masyado nagagamit.


"Meron po ako," as usual masayahing wika ni TheHeiress.


"Me too," sabay na wika ni Luxurious at Bandwagon.


"Ako din," sulpot din ni Mystical.


Napatango-tango naman si Nazumi, "Good, good. Kailangan nalang ninyong i-upgrade 'yan para mas maganda," nakangiting wika niya.


"Magkita nalang tayong lahat dito bukas. I think mga 7:00pm ay nandito na kayo at dapat suot niyo na yung cape niyo, okay?"


Agad naman kaming sumang-ayon. Pagkatapos ng meeting ay pumunta kami saglit sa City ng Lunar dahil nandoon kadalasan ang mga magagaling mag-upgrade ng mga baril. Agaw pansin kami sa City ng Lunar pero hindi na namin pinapansin yun. Pagkatapos naming magpa-upgrade, bumalik na kami sa City ng Eclipsa at nag-log out.


REAL WORLD
Sunday, 8:34 am


Paglabas ko ng kwarto ay agad kong nakita si Tita Anabeth ang kaibigan ni mama since highschool at kasama ang anak niya na si Bebot.


"HI! PWOO ATEEE BLISSS!" bati niya sakin at agad na napayakap sa mga binti ko. Agad naman akong umupo para mapantayan siya.


"Hello! din Bebot, anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang hinihimas-himas ang ulo niya.


"Hindi ko pa pwo alam, baka dadalaw pwo," Napangiti naman ako dahil sobrang cute niya, sarap pisilin ng cheeks.


"Hi, po tita," baling ko kay Tita Anabeth.


"Hello din, ija," bati niya pabalik sakin. "Hinihintay ko pa si Lilith, naliligo pa kasi,"


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now