015: Girl in the rain

135 12 0
                                    

BLISS MONTENEGRO𖦹
ONLINE WORLD
Sunday, 7:29 pm

Nag-online ako saglit dahil matagal-tagal na din akong hindi naka online simula nong festival. Kasama ko ngayon sina Lunaris at HeyAstray. Ewan ko kina Raven at Nazumi kung bakit hindi sila nag-online.

Nandito kami ngayon sa Announcement Board dahil sa nalalapit na Ultimate Gang Raid.

"Excuse me, excuse," wika ni Lunaris. Nahati naman ang mga players na nandito sa pag-daan namin.

"Hala siya, sa tuesday na gaganapin ang Ultimate Gang Raid," ani ni Lunaris habang binabasa ang nasa board. Sunday ngayon at may isang araw pa kami para magpa-level.

"Kailangan nating balitaan sina Raven at Nazumi bukas," suhestiyon ni HeyAstray.

Matapos 'non ay nag mission lang kaming tatlo para kahit papaano ay mag-level kami kahit isa lang. Pagkatapos ng mission namin ay lumevel up kaming tatlo ng isa kaya okay na rin yun. Nag-log out na agad kami dahil may klase pa kami bukas.

REAL WORLD
Monday, 7:30 am

"Tangina, excuse me!" sigaw ko.

Anong oras na nandito pa din ako sa tambayan ng jeep. Sa aming lima ako talaga ang may pinaka malayong bahay dahil dalawang ride pa ang gagawin ko bago ako makarating sa MIU.

Hindi ako mapakali dahil 7:30 na wala pako sa school mali-late nako sa Flag Ceremony dahil monday ngayon at baka hindi na ako maka-pasok sa school dahil 8:00 yun nagsasara.

"Ha! Salamat," masayang ani ko ng makasakay na ako.

Mahigpit ang hawak ko sa bag ko dahil kinakabahan na talaga ako baka hindi nako makapasok huhu.

"Dito lang po Manong!" ani ko. Tinigil niya naman ang jeep dahilan para masub-sob ako sa katabi kong lalaki.

"S-sorry," wika ko. Ngumiti lang siya bilang tugon. Agad na akong bumaba at mabilis na pumara ng taxi.

Buti nalang mabilis ang pagpapatakbo ng taxi kaya ilang minuto lang ay nakarating nako sa school. I checked the time 7:58 am.

Uwah! 2 minutes nalangg!

Halos liparin ko na ang daan pagtawid ko. Hinihingal pa akong lumapit sa guard at pinakita ang I.D. ko.

Tumaas ang kilay nong guard sakin, tiningnan niya ang relo niya at umiling-iling.

"Sorry ija, late ka na," ani niya.

Ha!?

Tiningnan ko ang relo ko, 8:00 am.

"Huhu, Kuya naman wala na bang patawad?" naiiyak kong sabi.

"Sorry talaga ija," ani niya.

Napasapo ako sa aking noo dahil ayaw talaga ako papasukin ng guard na to. Pano na to? Pano na ang mga pangarap ko? Pano na? Huhu. Naka-upo lang ako sa waiting area dito sa labas. Mukha akong pulubi dito, argh! Napatingin ako sa kotseng pumarada sa parking. Hindi lang ito ordinaryong kotse dahil mukhang mamahalin ito.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now