ASTRID DOMINGO ―ꕤ
REAL WORLD
Thursday, 8:00 amIt's me nanaman! So may chismis ako mainit-init pa. Kanina ko pa kasi napapansin pagpasok ko palang ng school na parang ang weird ng lahat. Kasi pagpasok ko kanina nakatingin silang lahat sakin tapos yung iba kinikilig pa like may crush ba sila sakin?
Really weird.
"Miss Domingo, are you still with us?" wika ng Prof. namin dahilan para bumalik sakin ang kaluluwa ko. Masyado na akong na pre-occupied sa mga galaw ng mga students kanina.
"Y-yes, sir." sagot ko.
"Answer this question Miss Domingo, What name is given for the number of protons found in the nucleus of an atom?" tanong nito.
Napakagat-labi ako, di ako sure kung tama tong isasagot ko. "A-atomic number po," sagot ko.
Napatango-tango naman siya, ibig sabihin ay tama ang sagot ko. "Okay, let's continue our discussion," wika niya at may sinabi nanamang kung ano-ano.
Natapos ang klase namin sa Science na wala manlang akong natandaan ni isa. Habang nagliligpit ako ng libro ay lumapit sakin si Luan.
"Lutang ka ata kanina," wika niya at sumandal sa mesa ko.
"Oo nga e," sagot ko naman.
"Normal lang 'yan," tugon niya at tumawa kaya nakisabay na din ako.
Sumunod ang math subject namin at mas lalong wala akong naiintindihan. Bakit naman nagkasunod pa ang dalawang subject na kinaiinis ko. Buti nalang at nag discuss lang si Sir at hindi nagbigay ng quiz dahil panigurado wala talaga akong maisasagot.
Lumabas kaming lima ng room at pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao, especially me! Ang weird talaga ng mga tao ngayong araw.
Binunot ko sa bulsa ng uniform ko ang panyo at pasimpleng pinunasan ang mukha ko. Baka may dumi lang kaya pinagtitinginan ako. Tiningnan ko ang panyo kung may dumi bang kumapit dito, pero wala.
Dumating kami sa cafeteria at as usual umorder nanaman kami ng pagkain at agad na sinunggaban ito. Naiilang akong tumingin sa mga students dahil nakatingin din sila saking lahat.
Napansin ko din na wala sina Gabriel sa usual spot nila dito sa canteen.
Hay, bakit ang weird ngayong araw!?
Matapos naming kumain ay napansin kong may kinakalikot si Luan sa cellphone niya.
"Luan tara na," aya ko sakanya. Nahuhuli na kasi siya samin sa paglalakad.
Napatingin naman siya sakin at lumapit.
"Uhm guys, punta tayo sa field," wika niya. Sumang-ayon naman silang tatlo. Teka, anong meron sa field?
"Anong gagawin natin don?" tanong ko.
"Basta," wika ni Luan habang nakangiti at hinatak na nila akong apat papunta sa field.
YOU ARE READING
Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓
Teen FictionONLINE GAME ROMANCE Completed MAG x DDG "Is it Game on," "... or Game over?" Recently, a thrilling new virtual game has launched, and at the forefront are five girls dominating the leaderboard. Will they unlock new fighting techniques and gaming s...