020: Group Mission

239 14 1
                                    

LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
REAL WORLD
Thursday, 7:00 am


Hatak-hatak ko ang bande-banderang labada namin papasok sa kotse. Daig pa namin yung 3 taong hindi nakapag-laba dahil sa dami ng labada namin.


May mga maids naman kami pero iniisip ko palang naaawa na ako sakanila. Sa dami ba naman nito. Tinulungan ako ng driver namin sa pagbuhat nito papasok sa kotse. Inayos ko muna ang uniform ko bago pumasok.


Pumarada ang kotse namin sa harap ng laundry. Maaga pa kasing nagbubukas ang laundry na to kaya dito kami palagi nagpapalaba at mas malapit ito sa bahay namin. Siyempre hinatak ko nanaman ang dalawang bandera papasok dito.


"Let me help you," tinig ng isang lalaki. Napatingin ako sa uniform niya na katulad ng sakin.


"Khyle?"


Nakangiti siya habang nakayuko upang tulungan ako. Ang pogi niya talaga tapos ang bait pa kaya huwag na kayong magulat kung bakit naging crush ko siya.


Parang papel lang sakanya ang dalawang bandera nong binuhat niya ito.


Yung mga nagpuputukang muscles mga te, huhu.


Kanina pa pala ako hatak ng hatak dito pero hindi manlang ako umalis sa pwesto ko bwesit.


Matapos niyang mailapag ang mga labada ay umupo ito sa parang bench dito sa loob ng laundry. Tumabi naman ako sakanya.


"Nagpa-laundry din kayo?" tanong ko.


"Yup, pero kukunin nalang namin ngayon, kahapon pa kasi namin dinala 'yon dito," sagot niya at binaling ang tingin sa mga labada na umiikot-ikot sa loob ng washing machine.


Napatingin naman ako sa labada namin na tumatambay pa dahil wala pang available slot.


"Kamusta yung practice ng mga kaibigan mo para sa basketball league?" tanong ko.


"Well, ayos naman ang practice nila puspusan nga e," sagot niya. "Blake told me na ginawa niyang slave ang isang kaibigan niyo. Parang proud pa ang gago," hirit pa niya at natawa ng mahina.


Napangiti naman ako, "Oo nga e, pero kayang-kaya naman yun ng kaibigan namin at ginawa niya lang naman yun para sa bracelet niya," sagot ko.


Napaka-importante kasi kay Raine yung bracelet niya na yun dahil yun ang huling ala-ala niya sa kaibigan niya.


"Sorry about that, si Blake kasi mahilig mang-asar, kahit ako nabi-bwesit sakanya," he said dahilan para matawa ako ulit.


"S-sir, ready ne pe yeng lebede neye," sulpot ng babaeng malandi na nagtatrabaho dito sa laundry. Halatang kinikilig pa ito habang nakatingin kay Khyle.


Napa-irap naman ako.


"Thanks," tugon ni Khyle at sinimulan ng bitbitin ang labada nila papasok sa kotse nila na katabi lang pala ng kotse namin.


Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now